Jaclyn Jose admits she does not have enough time to take care of Baby Lilo for now

by Glenn Regondola
Sep 7, 2019
With her busy schedule now, Jaclyn Jose says she barely has time to take care of Baby Lilo, Andi's daughter with pro-surfer Philmar Alipayo.
PHOTO/S: Glenn Regondola (left) / @andieigengirl on Instagram (right)

“Ang sarap. Ang sarap. Ang cute, cute!”

Ito nga raw ang nararamdaman ni Jaclyn Jose, tuwing nakikita ang pangalawang apo sa anak na si Andi Eigenmann.

Isinilang ni Andi nung July 23 ng taong ito ang pangalawang anak na babae na pinangalanan namang Keliana Alohi Eigenmann Alipayo.

May palayaw na “Lilo” ang mahigit isang buwan nang anak ni Andi mula sa pro-surfer na si Philmar Alipayo.

Continue reading below ↓

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lola ng bunsong anak ng aktres, sa mediacon ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na Circa, noong September 5, na ginanap sa Limbaga 77 Restaurant sa Quezon City, hindi masidlan ang kasiyahan ang beteranang aktres.

JACLYN’S BUNSO

“Bunso” raw ang tawag ni Jaclyn sa bagong baby ni Andi.

“Masaya kaming lahat, maging si Ellie,” banggit pa ng aktres sa anak naman ni Andi sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.

“Wala, walang jealousy kay Ellie. Walang ganun si Ellie. Kasi, malayo naman ang gap.

“At saka, wala nga siyang ganun.

“Napakabait na bata ni Ellie. Gusto pa nga niya, iaano ang kapatid niya, e.”

ANDI IS HANDS ON MOM

Kung ang una nga raw niyang apo ay naalagaan pa niya, kay Lilo ay hands on daw si Andi rito.

Saad niya, “Si Andi. Totally si Andi. Busy rin ako, pero bumibisita-bisita.

Continue reading below ↓

“Ngayon, si Andi talagang marami siyang time para kay Lilo, at ako naman itong maraming ginagawa, kaya di ko gaano natututukan si Lilo.

“Pero, more than a month pa lang naman siya, kaya, hayaan na muna natin na si Andi ang naka-focus sa kanya.

“Hindi pa naman kaya ni Andi ang magpabalik-balik [to Manila and Siargao), at caesarean [section] siya.”

BETTER RELATIONSHIP WITH ANDI

Masaya naman daw si Jaclyn, dahil sa ngayon ay mas maganda na ang relasyon nilang mag-ina, kumpara noon na very open pa nila parehong sinasabi na may hindi sila pagkakaunawaan.

Ayon sa award-winning actress, “Oo naman. Ganun naman talaga, kapag may tampuhan, after a while, wala na rin yan.

“Masaya ako kapag nakikita ko ang mga apo ko, at okey kami ng anak ko.”

Sa puntong ito, hindi niya itinanggi na maayos din ang relasyon ni Ellie kay Philmar.

Continue reading below ↓

Sabi niya pa, “Oo. Okey, okey. Walang problema.

“Sila naman ni Andi, okey naman. They're like barkada. Ganun ang napapansin ko.

“Yun naman talaga ang dapat,” pagtatapos ni Jaclyn.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With her busy schedule now, Jaclyn Jose says she barely has time to take care of Baby Lilo, Andi's daughter with pro-surfer Philmar Alipayo.
PHOTO/S: Glenn Regondola (left) / @andieigengirl on Instagram (right)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results