Gabbi Garcia, Khalil Ramos vow not to create a "monster" out of their relationship

by Rachelle Siazon
Sep 10, 2019
Khalil Ramos on girlfriend Gabbi Garcia: "When we entered into a relationship, it really boiled down to creating a very strong foundation that has no time to be toxic."
PHOTO/S: Noel Orsal

Umpisa pa lang daw ng relasyon nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ay nagkasundo silang bawal maging toxic sa isa't isa.

Hindi raw sila yung tipong gagawa ng drama kapag mayroon silang hindi napagkakasunduan.

Pahayag ni Khalil, "When we entered into a relationship, it really boiled down to creating a very strong foundation that has no time to be toxic.

"Yun talaga yung iniiwasan namin, e. Hindi tayo mag-create ng monster out of this.

"Na we're not here to fight."

Dugtong ni Gabbi, "Hindi tayo nandito para magsakalan."

Kung magkaroon man daw sila ng hindi pagkakaunawaan, sinisiguro nilang hindi matatapos ang araw nang hindi sila nagkakaayos.

Ayon sa Kapuso actress, "For us, everything is a choice.

"Choice naming dalawa kung gagawin ba namin itong issue. Hindi.

"As long as we communicate properly, there's nothing to worry about."

Kung sa mga dati nilang karelasyon ay madali silang magselos, sa kaso nila ay "joke time" lang nila iyon.

Continue reading below ↓

"Pa-cute-cute lang. 'Tsaka for us, alam naming lambing lang siya," dagdag ni Gabbi.

Sabi naman ni Khalil, "As long as alam namin na wala—kasi it's either katrabaho mo sa eksenang ito or wala, kaibigan, group of friends lang talaga."

Ang unang magso-sorry ay "depende" raw kung sino ang "guilty."

Pero ayon sa Kapamilya actor, "Kapag gabi na and alam kong wala pa ring nangyayari, ako na yung kusa."

Hindi raw kasi makakatulog si Gabbi nang hindi sila nagkakaayos.

"And alam ko yun!" natatawang saad ni Khalil.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Gabbi at Khalil sa presscon ng pelikula nilang LSS, isa sa entry sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ginanap ito sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City, noong September 5.

WHAT USED TO BE A SECRET ROMANCE

More than two years nang magkasintahan sina Gabbi at Khalil, pero noon lang January 2019 umaming sila na.

Continue reading below ↓

Ano ang pumipigil sa kanila noon na isapubliko ito?

Sagot ni Khalil, "Kasi madami ring limitations also.

"'Tsaka nung time na yun, we're from different networks."

Aminado rin si Gabbi na marami ang "kumuwestiyon" at pumigil na maging sila ni Khalil.

Pero pinatunayan nilang hindi nila hahayaang maging sagabal ang kanilang relasyon sa kani-kanilang trabaho.

Ayon sa aktres, "Siguro we just really got tired of hiding and we feel like there's nothing to hide naman.

"We're professionals individually. We get the job right.

"And our relationship is not an instrument to pull each other down, then there's nothing wrong about it."

Kuwento naman ni Khalil, naniniwala siyang perfect timing ang pagkakakilanlan nila noon ni Gabbi.

"Yung mindset natin in finding a partner or in finding the love of your life is that you're looking for someone to complete you.

"It's always 'I need someone to complete me' or to fill whatever void is in your heart.

Continue reading below ↓

"But I believe in building yourself up so that you will be able to complement someone else."

Patuloy ni Khalil: "I think we found each other at a time when we we're both ready lang talaga to jump.

"Kasi I was working on my self-identity, my own mindset... I was just trying to be as healthy as possible na walang toxicity kahit sa sarili ko.

"So when I met her nag-share kami ng same energy, tulungan kami."

Sa kaso ni Gabby, itinuturing niyang good influence si Khalil.

"The way my mind has changed because of Khalil. The way I see things—kung paano ko tingnan yung pamilya ko, and how I see my work.

"Before, I just work because this is my job. Now, I work because it's my passion.

"He taught me how to always see the bigger picture, how to balance things."

Continue reading below ↓

WHAT THEY LOVE ABOUT EACH OTHER

Ikinatuwa naman ni Khalil na nailalabas niya ang likas niyang pagkakulit kapag kasama si Gabbi.

"Si Gab, when I first met her, very strong personality. Akala ko mai-intimidate ako.

"Kasi when I entered showbiz early, it changed my demeanor. I was very meek, tahimik lang.

"Iniisip ko baka she was too strong of a personality for me.

"But when I got to talk to her, she was such a sweet person in a way that she viewed everything with positivity.

"And when we became friends, parang every second with her was sobrang saya. Walang bahid ng negativity."

Natuklusan naman daw ni Gabbi na may "weird" side si Khalil.

"Yeah, si Khalil kasi tingin sa kanya ng tao, he's a very serious guy.

"He seldom shows his weird side, his true colors. Sa mga taong pili lang, and isa ako dun.

"Nakikita ko talaga yung switch niya. 'Okay, may ganitong side pala si Khalil.'

Continue reading below ↓

"Ang ganda lang nung balanse siya sa sarili niya. He's a funny guy, promise!"

Napapangiting dugtong ni Khalil, "Dati kasi maloko ako, kaya siguro ngayon na mas kilala niya ako, nakikita niya na maloko ako.

"Pero nung nagtratrabaho ako, I was very chill lang ako, tahimik lang."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Khalil Ramos on girlfriend Gabbi Garcia: "When we entered into a relationship, it really boiled down to creating a very strong foundation that has no time to be toxic."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results