Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jake Zyrus points out the problem he sees in SOGIE Equality Bill

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2019
Jake Zyrus, a transgender man and a member of the LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community, sees a problem in the SOGIE Bill.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Yung equality parang napupunta lang sa isang side, e.”

Ito ang nakikitang problema ni Jake Zyrus, 27, sa isinusulong na Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Malakas ang panawagan ng mga kilalang personalidad na ipasa ang panukalang batas na ito, na supporters din ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community.

Kinabibilangan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Ice Seguerra, Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Heart Evangelista, Dingdong Dantes, at marami pang iba.

Pero lumalabas na iba ang pananaw ni Jake, na isang transgender man at miyembro ng LGBTQIA community.

Katuwiran ng mga taong pro-SOGIE Bill, walang SOGIE Bill kung walang diskriminasyon sa members ng LGBTQIA community.

Nilalayon din ng bill na mabigyan ng access ang mga miyembro ng LGBTQIA sa health services, employment, at edukasyon.

JAKE IS RELUCTANT WITH THE SOGIE BILL

“Sa totoo lang, nalilito ako. Nalilito ako kasi, minsan nararamdaman ko… hindi sa lahat, ha, but some [are] taking advantage of what it really means,” bungad ni Jake sa interview.

Continue reading below ↓

Natanong si Jake sa panig niya sa SOGIE Bill sa press conference ng kanyang bagong album, ang Jake Zyrus Evolution, na ginanap sa ABS-CBN Compound nitong September 4.

Ang isyu raw kay Jake ay isang grupo lamang ang nakikinabang sa SOGIE Bill, na tinatawag ding anti-discrimination bill.

Tila ang tinutumbok ni Jake ay ang mga miyembro lamang ng LGBTQIA community ang makikinabang sa panukalang batas.

“Pero para sa akin kasi when you talk about SOGIE [bill], when you hear that, pag nakikita ko yun, para sa lahat, e.

“Ang problema kasi when you mention that, it only focuses on one group, automatic. Parang eto lang yun, parang nasasarili, nado-dominate.

“That’s what I don’t like.

“Kasi katulad ng sinabi ko kanina, lahat ng makaka-better sa lahat ng tao…

“If this SOGIE Bill will be good for everybody, not just the LGBT, kung lahat makikinabang dito, kung mawawala yung discrimination, kung mawawala yung domination, ‘O, sa amin lang ito,’ o, ‘Para sa amin ito,’ o, ‘Para sa inyo ito,’ then I’m all for it.”

Continue reading below ↓

Dugtong ng singer, “But if this bill is going to be taken advantage of, doon mo masasabing mali talaga.

“This is not about who you are anymore. This is about how you treat each other.

“So kung ito yung magpapagulo sa atin, bakit ka mag-a-agree, di ba?”

Nauunawaan daw ni Jake ang mga taong salungat sa panukalang batas.

Ani Jake, ang sagot daw dito ay matutong irespeto ang isa’t isa.

Naniniwala rin siya na para mapabuti ang Pilipinas ay maging pantay-pantay ang lahat.

Muling inulit ni Jake ang agam-agam niya sa SOGIE Bill.

“Kasi yung equality parang napupunta lang sa isang side, e.

“Yung equality is for all of us.

“Just long as hindi nagkakaroon ng ganyan, we can’t pass any bill, regarding this discrimination and anything, kasi kahit ipasa yan, kahit ma-approve na yan, hangga’t walang nakakaintindi truly at hindi nagiging equal ang lahat, wala rin ‘yan, wala ring silbi ang bill.”

Continue reading below ↓

Sa panghuli, sabi ni Jake, “Kahit wala po'ng bill na yan, nasa sa atin yan.

“If we treat each other, if we accept each other—kahit hindi mo ako tanggap—respetuhin mo ako, rerespetuhin kita.

“We don’t have to accept each other, just respect each other.

“Hangga’t hindi natin natututunan iyan, hindi magma-matter yung bill.”

SENATOR TITO SOTTO’S SENTIMENTS ON SOGIE BILL

Kung susuriin, tila umaayon si Jake kay Senate President Tito Sotto, na vocal sa pagsalungat sa SOGIE Bill.

Bukod kay Tito, hindi rin pabor sina Senators Manny Pacquiao at Joel Villanueva sa panukalang batas.

Noong August 19, 2019, ikinuwento ni Sen. Tito ang ilang dahilan niya kung bakit hindi siya pumapabor na maisabatas agad ang SOGIE Bill.

Na-interiew sa dZMM Teleradyo ang senador.

“Pag-aralang mabuti ang mga laman ng bill, hindi porke ang title ay maganda, anti-discriminatory ay maganda lahat.

“It could be discriminatory,” saad niya.

Binanggit din niya na may mga babae ang nagrereklamo sa kanya na discriminatory raw sa kanila na gumagamit sa comfort room na pambabae ang transgender women.

Continue reading below ↓

Diin ni Tito, isa lang ito sa mga maliliit na isyu sa panukalang batas.

Mayroon pang isang halimbawang ibinigay si Tito na probisyon sa SOGIE Bill na hindi niya sinasang-ayunan.

“Naggo-golf tayo sa Sta. Elena, bawal ang naka-shorts at walang collar sa clubhouse.

“'Pag ikaw nagpunta o kaya nagpunta tayo doon wala tayong collar, palalabasin tayo o sasabihin sa atin na magpalit, gagawin naman natin.

“Pero kung isang member ng LGBT ang nagpunta at sinabihang, ‘Hindi ka puwedeng nakabihis nang ganyan, umalis ka,’ puwede niyang idemanda.

“Tayo, hindi tayo puwedeng magdemanda, straight tayo, e. Ganoon ang classification.

“Kaya pag-aaralang mabutin ang pino-propose.

“Malawak ang isyung nilalaman niyan ang dapat pag-ingatan.”

Noon lamang September 4 ay muling nakatanggap ng mga pambabatikos si Tito dahil sa naging pahayag niya na malinaw na pagsalungat niya sa SOGIE Bill.

Anito: "Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.

Continue reading below ↓

"You cannot give birth, you do not have ovaries.

“You will never be a woman.

"So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights."

Isa sa mga kumastigo sa kanya ay si Vice Ganda na inihayag ang kanyang pagpalag via Instagram post.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Zyrus, a transgender man and a member of the LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community, sees a problem in the SOGIE Bill.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results