Ellen Adarna spotted in Cebu without partner John Lloyd Cruz

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2019
Ellen Adarna spotted anew in public without live-in partner John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: Anne Jelique Edano on Facebook / @prettylooksph on Instagram

Aktibo na ngayon sa public functions ang semi-retired actress na si Ellen Adarna.

Kahapon, September 8, namataan si Ellen sa opening ng isang wellness spa sa Cebu kung saan isa siya sa mga nag-cut ng ribbon.

Hindi kasama ni Ellen ang partner niyang si John Lloyd Cruz.

Ayon sa isang netizen na nakapagpa-selfie kay Ellen, sobrang ganda raw ng aktres na pumayag naman sa kanyang hiling.

Sabi ni Anne Jelique Edano: “She's so beautiful. I wasn't sure at first but when i ask to have a picture with her.. OMG she's REAL! Ellen Adarna @TheGreenery”

Continue reading below ↓

May kahalintulad namang post ang The Greenery Cebu Official sa kanilang Facebook account.

Noong Agosto 2019 lamang, ginulat ni Ellen ang publiko nang sumailalim siya sa isang mommy makeover sa isang aesthetic center.

Pinaghihinalaan tuloy na magbabalik-showbiz na si Ellen.

RUMORED BREAKUP WITH JOHN LLOYD CRUZ

Nito ring Agosto, may isang source ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na Hunyo 2019 pa lamang ay nagkakalabuan na raw sina Ellen at John Lloyd.

Continue reading below ↓

Ayon sa source, “co-parenting” na lang daw ang status ng dalawa sa anak nilang si Elias Modesto.

Dagdag pa ng source, si Ellen daw ang nakipaghiwalay kay John Lloyd dahil hindi na raw nito maintindihan ang mga ikinikilos ng live-in partner.

Kalaunan, umugong naman ang balitang nagsampa raw si Ellen ng Temporary Protection Order (TPO) laban kay John Lloyd sa isang local court sa Cebu.

Hanggang ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa napabalitang hiwalayan nila.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaaring ihayag nina John Lloyd at Ellen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna spotted anew in public without live-in partner John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: Anne Jelique Edano on Facebook / @prettylooksph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results