Alex Gonzaga accused of cutting immigration line; tells her side of the story

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2019
Kapamilya star Alex Gonzaga explains her side of the the story after being accused by a netizen of cutting the line in immigration.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inalmahan ni Alex Gonzaga, 31, ang paratang ng isang netizen na tinangka umano niyang unahan sa pila sa immigration ang isang buntis.

Nangyari ang palitan ng tweet ni Alex at ng isang netizen ngayong Lunes, September 9.

Nagsimula ito nang mag-tweet ang Kapamilya TV host-actress na na-late siya papuntang airport dahil sa matinding traffic sa may bandang Pasig City.

Kasama ni Alex ang kanyang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga.

Ang flight daw nila papuntang Japan ay 10 A.M dapat, pero hindi sila umabot.

Continue reading below ↓

Napilitan daw si Alex na bumili ng bagong tickets para sa 3 P.M. flight.

ALEX ALLEGEDLY TRIED TO CUT THE LINE

Ngayong hapon, isang netizen ang nag-tweet ng screengrab ng Facebook post ng kaibigan niyang kapwa pasahero raw ni Alex sa immigration.

Kinastigo ng netizen si Alex dahil tinangka raw nitong unahan sa pila ang kaibigan niyang buntis.

Continue reading below ↓

Tweet ng netizen (published as is): “Shutanginamesh alex gonzaga kagaspangan ng ugali mo nagumpisa ka na naman wala ka patawad pati friendship ko.. nakakaloka ampotah!”

Narito naman ang Facebook status ng buntis na pasahero (published as is): “Alex Gonzaga just tried to cut me at the immigration queue. What’s with entitled Filipino celebrities lol.”

Continue reading below ↓

ALEX'S VERSION OF THE STORY

Hindi naman ito pinalampas ni Alex at ipinaliwanag ang kanyang panig.

Kuwento niya, isang bagong counter ang nagbukas at inanyayahan siya at ang kanyang mga magulang—na kapwa senior citizens—na gumawa ng panibagong pila.

Lumapit at kinausap daw sila ng pasaherong buntis at pinauna naman siya nina Alex.

Buwelta pa ni Alex sa netizen na kaibigan ng buntis na pasahero: “You weren’t there kaya wag ka magsalita as if alam mo.

“Kasama ko senior citizens, di kami pa-entitled.

“Nung nagsabi ‘friend’ mo pinauna namin sya.”

Continue reading below ↓

Muling sumagot ang netizen kay Alex: “So natandaan mo pala ang friend ko?”

Sabi pa ng netizen, sinita ng pasaherong buntis sina Alex dahil may tangka ang TV host-actress na mang-una sa pila.

Ayon kay Alex, natandaan niya ang pasaherong buntis dahil nabastusan siya sa inasal nito.

Ito ang mensahe ni Alex:

“Sa totoo lang kaya ko sya naaalala kasi nabastusan ako sa ginawa nya dahil habang kausap ng mommy ko at yung dalawang matanda dahil nagpapaalam siya basta dumaan sa gitna friend mo at nagsabi sya daw dapat [mauna]. Tinanong pa ng daddy ko sino daw yung dahil nagulat sila.”

Continue reading below ↓

Dugtong pa ni Alex, naging polite daw si Mommy Pinty sa pakikipag-usap sa pasaherong buntis at pinayagan itong mauna sa pila.

“There was no issue.

“Nakakalungkot kailangan nya palakihin.

“Anyway, I said my piece.

“Off to positivity and enjoy my trip,” ani Alex.

Continue reading below ↓

Hindi na muling sumagot ang netizen.

Pinayuhan naman si Alex ng kanyang supporters na huwag nang magpa-stress at i-enjoy na lang ang kanyang trip kasama ang mga magulang.

Read Next
Read More Stories About
Alex Gonzaga, NAIA
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Alex Gonzaga explains her side of the the story after being accused by a netizen of cutting the line in immigration.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results