Jo Berry denies "pagnanasa" to Alden Richards

by Rose Garcia
Sep 10, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

May pagnanasa raw kay Alden Richards ang dalawang ina ng aktor sa The Gift—sina Jean Garcia at Jo Berry.

Tawanan ang mga nasa mediacon ng The Gift sa pagbibirong ito ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa, ang gumaganap na lola ni Alden sa bagong primetime series ng Kapuso network.

Natatawang reaksiyon ni Jo Berry nitong Setyembre 9, Lunes, sa Prime Hotel, Quezon City, “Hindi ko po alam kung ano ang ibig sabihin nun.

“Palagi rin pong sinasabi ni Direk [LA Madridejos] na mag-ina kami rito.”

Inamin naman ni Jo na katulad ng ibang humahanga kay Alden ay kinikilig siya rito.

“Opo, si Alden po ‘to, e,” sabi niya.

Isa si Alden sa mga ipinanalangin ni Jo na makatrabaho niya sa Kapuso network.

“Ipinag-pray ko po na maka-work at ibinigay naman po.”

Yun lang, hindi ba niya hinangad na leading man niya sana si Alden sa halip na anak?

Continue reading below ↓

“Masaya po ako sa role ko ngayon,” sabi niya.

“At saka, ang ganda ng story namin, so pinapaniwalaan ko yung material. Hindi ko po naiisip ‘yan ngayon.”

Ang pagiging actor daw ni Alden ang talagang nagpapakilig kay Jo sa “anak-anakan” niya sa The Gift.

Ayon kay Jo, “Sobrang galing niya pong actor. Hindi pa po ako artista, palagi ko na po siyang pinapanood.

“Maraming instances dati na lalapit ako, magpapa-picture lang ako.

"Nag-start na po ang Onanay, palagi kong sinasabi sa kanya na, 'Sana, magka-work tayo.'”

Ang Onanay ay ang pinagbidahang teleserye ni Jo.

Masaya raw siyang nangyari ngayon ang wish niya.

Sa totoong buhay, mas bata si Jo kay Alden.

“Mahirap in a way,” pag-amin niya.

“Pero tinulungan po talaga ako ni Direk L.A. [Madridejos] kung paano ako mag-a-adjust.

"And si Alden din po, malaking tulong na pina-feel niya sa akin na puwede akong maging kumportable sa kanya, first shooting pa lang.

Continue reading below ↓

“Kaya naging magaan po yung pagiging nanay ko sa kanya.”

May mga eksena sa trailer na mapapanood na karga ni Alden si Jo.

Kahit off-cam, kinakarga siya ni Alden.

“Kahit hindi sa eksena, kinakarga niya po ako!” natawang lahad ni Jo.

Natatawang biro naman ni Alden, ang bagal daw kasing maglakad ni Jo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results