Vina Morales baffled why she is unlucky in love

by Jerry Olea
Sep 10, 2019
Vina Morales on why long-distance relationship will not work for her: "Lalo na sa situation ko, that I have a daughter, I have business here, I work here. Parang napakalaki ng sakripisyong gagawin ko kapag lumipat ako sa ibang bansa..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Namumukadkad ang showbiz career ni Vina Morales.

Kaabang-abang ang pagkokontrabida niya sa Kapamilya teleseryeng Sandugo, maging ang pagganap niya bilang Sisa sa musical film na Damaso.

Rumaratsada ang kanyang negosyo.

Twenty-one years na ang Ystilo Salon nila ng sisters na sina Shaina Magdayao at Shiela Moreno. Twenty-four na ang mga sangay nito, at magkakaroon pa sa Fairview Terraces, Marikina City, at La Union.

Sa suwerte ni Vina sa business at pag-aartista, may naisasakripisyo ba siya na ibang bagay?

“Aaaayy! Alam na! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Vina nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Setyembre 8, Linggo, sa blessing ng bagong puwesto ng Ystilo Salon sa Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City.

“Alam na! Kasi, iyong oras ko naman sa anak ko, nandidiyan palagi. Priority ko siya.

"So, kung may trabaho man ako, pagkatapos ng school niya, pinapasama ko siya sa trabaho ko.

“At kung may mga school event sila, nakikiusap ako palagi sa production na kailangan, iyon ang priority ko, at pinagbibigyan nila ako.

Continue reading below ↓

“Kasi, alam naman nila na single parent ako, at bago ko naman tanggapin iyong proyekto, sinasabi ko sa kanila na kapag merong family event, or kung meron mang school event si Ceana, kailangang nandodoon ako.

“And naiintindihan nila yun. Very supportive sila.

“Pero pagdating sa love life... Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na napahalakhak si Vina.

“Bokya! Ha! Ha! Ha! Zero na naman?!

"Parang walang pagbabago, hindi man lang tumataas yung level pagdating sa love life.

“Hindi ko nga maintindihan kung bakit.

"I also ask myself why, but maybe I always say na lang, sinasabi ko na lang sa sarili ko, in God’s time.

“Kasi, kung ipilit ko, baka mali pa yung mapunta sa akin... uli.

“E... uli pala! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Kasi, ginawa ko na iyon noon. Pinipilit ko yung mga bagay-bagay. E, hindi naman talaga uukol.

Continue reading below ↓

“So, it ends up, hindi talaga kami nagkakatuluyan, at hindi nagwo-work out, at magulo pa! Maraming trials ang nangyayari.

“So, mas mabuti na yung ganito. Minsan naman, may ipinapa-date naman sa akin. Hindi naman nawawala yun.”

NO TO LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

May naka-date si Vina kamakailan sa U.S. na non-showbiz, pero ipinagwalang-bahala agad iyon ng aktres.

“Ay! Grabe naman kayo! Oh, my God! Huwag na yun!” maigting na tili ng 43-year-old actress.

“Kasi, hindi naman taga-showbiz at medyo private person naman yun. We’re good friends!

“Mahirap yun, kasi malayo na naman.

"Sabi ko sa inyo, iyong LDR [long-distance relationship] talaga, mahirap mag-work out.

“Lalo na sa situation ko, that I have a daughter, I have business here, I work here.

“Parang napakalaki ng sakripisyong gagawin ko kapag lumipat ako sa ibang bansa... He’s just really a good friend, that’s it!” pagdidiin ni Vina.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “LDR doesn’t work for me.

"So, I guess, I just have to wait for someone from here, na magkaroon kami ng situation na magiging serious.”

SINGLE MOTHERS

Ang mga kabarkada ni Vina sa showbiz ay sina Sunshine Cruz, Karla Estrada, Donita Rose, at Ruffa Gutierrez.

Single mothers din sina Donita at Ruffa, samantalang sina Sunshine at Karla ay nakatagpo ng bagong glorya.

“Si Donita rin naman, pero siyempre, nakasal na si Donita. Paano naman ako?” pakli ni Vina.

“Si Sunshine, ganoon din. Nakasal na. Pero paano naman akoooo?!

“Si Ruffa rin! Si Karla... iyan yung mga barkada ko na hindi ko alam kung loveless ba sila. Happy na ako para kay Karla.

“I think, it’s just me and Donita. I don’t know with Ruffa.”

Wala raw siyang love life ngayon, sabi ni Ruffa nang matsika namin sa birthday ng anak niyang si Lorin Gutierrez noong Agosto 31 sa Whitespace Manila.

Continue reading below ↓

Napakunot-noo si Vina,

“Wala? Inamin na ba sa inyo?

"I don’t know! Ha! Ha! Ha! Ha! Inamin na ba?

"Naku, hindi manggagaling sa akin ‘yan, ha?

“But I think she’s doing so well. She’s doing well.

"Para sa akin naman, pareho kami.

"With or without, kayang-kaya namin—mag-isa or may love life man.

“It will work out. We still go on with our lives.

"Kasi siyempre, andidiyan yung anak namin, e, para talagang bigyan namin ng atensiyon, at para mabigyan sila ng magandang buhay.

“Iyon naman talaga ang importante sa amin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales on why long-distance relationship will not work for her: "Lalo na sa situation ko, that I have a daughter, I have business here, I work here. Parang napakalaki ng sakripisyong gagawin ko kapag lumipat ako sa ibang bansa..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results