Dani Barretto, Mavy Legaspi pay tribute to late grandfather Lito Legaspi

by Bernie V. Franco
Sep 10, 2019
Dani Barretto (left) and Mavy Legaspi (right) take to Instagram to pay respects to their grandfather Lito Legaspi (center), who passed away last Sunday, September 8, due to cardiac arrest.
PHOTO/S: @danibarretto and @mavylegaspi on Instargram / Lito Legaspi (From Facebook)

Nagbigay-pugay ang magpinsang sina Dani Barretto at Mavy Legaspi sa kanilang yumaong lolo, ang veteran actor na si Lito Legaspi.

Pumanaw si Lito noong Linggo, September 8, dahil sa cardiac arrest.

Ipagdiriwang sana ni Lito ang kanyang ika-78 kaarawan ngayong Martes, September 10.

Nitong Lunes, September 9, ibinahagi ni Dani, 26, ang throwback photo niya kasama ang lolo sa pamamagitan ng Instagram Story.

Magkayakap ang mag-lolo sa naturang larawan na tila kuha sa isang pagdiriwang.

Simpleng heart emoji at caption na “RIP POPSKIE” ang inilagay ni Dani.

Continue reading below ↓

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi, anak ni Lito at kapatid nina Zoren Legaspi at Brando Legaspi.

Ang post ni Dani para sa kanyang lolo ay patunay na maganda pa rin ang relasyon niya sa paternal grandfather, kahit na hindi maayos ang relasyon ng vlogger-social media influencer sa kanyang ama na si Kier.

Sa kanyang vlog noong March 2019, nagkuwento si Dani tungkol sa relasyon nilang mag-ama.

Sinabi niyang mula noon at hanggang ngayon ay hindi maganda ang relasyon nilang mag-ama.

“To be honest, my dad and I never really had a solid relationship.

“All I know is he’s my dad, and that’s it,” bahagi ng pahayag ni Dani.

MAVY REMEMBERS HIS GRANDFATHER

Nagbigay-pugay rin si Mavy Legaspi, 18, isa sa kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Sa pamamagitan ng Instagram Story nitong Lunes, ibinahagi ni Mavy ang maiksing video ng kanyang lolo mula sa isang pelikula.

Continue reading below ↓

Sa video ay makikita si Lito na nagta-target shooting.

Nilagyan ni Mavy ng heart emoji ang kanyang Instagram Story sa bandang itaas at dakong gitna.

Samantala, nananatili namang tahimik sa social media ang iba pang naiwang mahal sa buhay ni Lito.

Walang bagong post si Carmina sa kanyang social media accounts, gayundin sina Zoren at Kier, kaugnay ng pagpanaw ng veteran actor.

Continue reading below ↓

Samantala, isang netizen naman ang nagbahagi sa Facebook ng larawan ng pamilyang naiwan ni Lito, na kuha sa burol ng aktor sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City.

Via Twitter ay nagpahayag din ng kanyang pakikiramay ang aktres na si Francine Prieto.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dani Barretto (left) and Mavy Legaspi (right) take to Instagram to pay respects to their grandfather Lito Legaspi (center), who passed away last Sunday, September 8, due to cardiac arrest.
PHOTO/S: @danibarretto and @mavylegaspi on Instargram / Lito Legaspi (From Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results