Ivana Alawi denies giving escort services

by Jet Hitosis
Sep 10, 2019
Sexy actress Ivana Alawi denies false claims that she's offering escort services, and condemns the booking agency responsible for spreading such "fake news" against her.
PHOTO/S: @IvanaAlawi on Facebook

Mariing itinanggi ni Ivana Alawi ang kumakalat na online post na nagsasabing nag-aalok siya ng hanggang P4.7-million escort services.

Sa kanyang Facebook account nitong Linggo ng gabi, September 8, iginiit ng Kapamilya sexy actress na “fake news” ang nasabing post ng isang online booking agency.

Ipinost ni Ivana ang mismong litrato ng Twitter post ng booking agency, na pinatungan niya ng malaking “FAKE NEWS” sign na may thumbs down.

Nakasaad sa post na maaaring ma-book si Ivana, 21, sa halagang P2.6 million para sa isang oras na serbisyo, at P4.7 million naman para sa dalawang oras.

Sarkastiko tuloy na nagkomento ang model-turned-actress na “ang mahal pala” ng booking services niya, kaya “dali lang pala kumita ng P100 million.”

Post ni Ivana: “There have been several posts going around claiming you can book me for 2 hours at 4.7 million!!

“Ayos yan mga naiisip niyo ipost ah (rolling on the floor laughing emoji). May tax paba yan at bawas sa booking agency or net na?

Continue reading below ↓

“Syet ang mahal pala. Hahahaha dali lang pala kumita ng 100 million noh? (stick out tongue emoji).”

Sa huling bahagi ng caption, seryosong binigyang-diin ni Ivana na bagamat “hubadera” siya sa social media, kumikita siya ng pera “the right way.”

“Hubadera ako sa social media yes, but I have my limits (smile emoji).

“I earn my own money the right way. (I love you hand sign emoji) Byeeee #FakeNews.”

Continue reading below ↓

BOOKING AGENCY CLAIMS IT’S BEEN HACKED

Sa comments section ng nasabing Facebook post ni Ivana—na mayroon nang 40,000 reactions, 6,500 comments, at 5,600 shares habang isinusulat ito—in-upload ng aktres nitong Lunes, September 9, ang screenshot ng paliwanag sa kanya ng booking agency, na ipinadala via email.

Nakasaad sa email ng agency, na ipinadala kay Ivana nitong Lunes ng hapon: “We were hacked yesterday. We have solved it now.”

Kalakip ng nasabing screenshot ang isa pang sarkastikong komento mula kay Ivana: “Weekly ba nahahack ang website nila? (rolling on the floor laughing emoji)”

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin naman sa nasabing email na walang apology ang website kay Ivana sa nangyari.

IT’S IVANA AFTER JACKIE RICE

Ang booking agency ang kaparehong website na matatandaang “nagtakda” ng P2-million booking fee sa Kapuso actress na si Jackie Rice sa isang fake Instagram post noong nakaraang buwan.

Kaagad ding itinanggi ng 29-anyos na aktres ang pagkakadawit niya sa escort service issue.

Sina Jackie at Ivana ay parehong produkto ng GMA-7 reality show na StarStruck.

Si Jackie ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 3 noong 2005.

Kabilang naman sa StarStruck 6 (2015) hopefuls si Ivana, na huling napanood sa katatapos na ABS-CBN teleseryeng Sino Ang May Sala? Mea Culpa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy actress Ivana Alawi denies false claims that she's offering escort services, and condemns the booking agency responsible for spreading such "fake news" against her.
PHOTO/S: @IvanaAlawi on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results