Former Kapuso Rafael Rosell considers ABS-CBN the "best channel"

by Bernie V. Franco
Sep 10, 2019
Rafael Rosell returns to ABS-CBN after six years. “I just wanted to come back home and now that I’m home, I’m really happy and I’ve missed this channel.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Inisa-isa ni Rafael Rosell, 36, ang mga na-miss niya sa ABS-CBN.

Nagbalik-Kapamilya ang aktor matapos niyang manatili sa GMA-7 sa loob ng anim na taon.

Na-interview si Rafael sa press conference ng Kapamilya weekend series na Parasite Island, nitong September 9, Lunes.

Nang matanong kung ano ang na-miss niya sa ABS-CBN, sagot ng aktor, “On many levels kasi, e.

“First level, yung mga tao, yung mga kasama ko dati, the family that I built.

“Second, yung treatment nila sa taping.

“Third, just the overall quality.

“Kapag pinanood mo sa TV, alam mo talaga ABS-CBN quality.

“Alam mo na puwede ito ipalabas sa ibang bansa.

“And lastly, yung reach ng ABS-CBN ngayon, lalung-lalo sa social media, sa internet.

“Ang widespread talaga ng reach ng ABS-CBN.

“Nung ginawa namin ang MMK, as in ayaw tumigil ng Twitter ko, Instagram ko, Facebook ko.

“Sabi ko, ‘Wow, this really reaches a lot of people.’ Na-miss talaga is mileage.”

Continue reading below ↓

Ipinalabas ang Maalaala Mo Kaya episode na pinagbidahan nina Rafael at Yen Santos noong August, 2019.

RAFAEL TRANSFERRED TO EXPLORE

Ani Rafael, nagdesisyon siyang lumipat sa GMA Network noon “to explore.”

“Yun yung reason ko talaga, e.

“Explore ang buong showbiz bago ako tumanda, dahil gusto ko talagang ma-experience ang buong field.

“Working with the best channel for the longest time, sabi ko it was time to look at showbiz from a different perspective.”

Sa pagkukumpara ng aktor, magkaibang-magkaiba raw ang environment ng ABS-CBN at GMA-7.

“Different work ethics, iba yung goal ng iba’t ibang kumpanya.

“I won’t go to further details about that.

“Pero there’s a big difference: work ethics, environment, treatment ng paggawa ng isang show, promotion.

“It’s like black and gray or white and gray.

“Magkaiba talaga, and I’m happy that I was able to witness and experience it.”

Continue reading below ↓

Dahil sa pag-iwan, paglipat, at muling pagbabalik sa ABS-CBN, hindi ba nangangamba si Rafael na kuwestyunin ng ibang tao ang kanyang loyalty?

Sagot niya, “When it comes to loyalty, I appreciate that people stay to the channels, pero I think the whole network wars, nadadamay ang artista diyan.

“There’s opportunity for all of us, pero hindi namin ma-grasp dahil sa network wars.

“So when it comes to the bashing or negative comments, hindi ko siya masyadong binabasa.

“I’m here working again with my original family.

“They welcomed me back and I’m happy working with them again.

“I don’t see any reason why we should team up ang say mali ito, tama ito… as long as each individual is happy.”

Pagtatapos ni Rafael, “I just wanted to come back home.

"And now that I’m home, I’m really happy and I’ve missed this channel.”

Continue reading below ↓

Taong 2012 nang lumipat si Rafael sa bakuran ng GMA-7.

Ilan sa mga nagawa niyang teleserye roon ay ang Aso ni San Roque (2012), Temptation of Wife (2012), Maghihintay Pa Rin (2013), The Borrowed Wife (2014), Because of You (2015), Sinungaling Mong Puso (2016), at Impostora (2018).

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rafael Rosell returns to ABS-CBN after six years. “I just wanted to come back home and now that I’m home, I’m really happy and I’ve missed this channel.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results