Kim Last no time for love life: "Wala, wala... God first."

by Glenn Regondola
Sep 10, 2019
Kim Last on his ideal girlfriend: “Medyo boring ang sagot sa panahon natin, pero basta God-fearing, okey na ako.”
PHOTO/S: Glenn Regondola

Para kay Kim Last, hindi pa ito ang panahon para magkaroon siya ng girlfiend, lalo na’t marami ang pagkakataong dumarating sa kanya ngayon.

Katulad ng pelikulang Circa, entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), kung saan nakasama niya ang award-winning actors na sina Jaclyn Jose, Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Laurice Guillen, Ricky Davao, at Ms. Anita Linda.

Pahayag ni Kim sa pagiging single niya ngayon, “Wala, wala… God first.

“I wish to talaga, balang-araw, na pumunta sa Amerika, susubukan ko lang dun.

“Pero hind ko iiwanan ang Pilipinas na parang ‘Bye, Philippines, dito muna ako.’

“Pero sa showbiz, ang closest girl ko, siguro si Ky,” pagtukoy niya sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

“Wala lang, parehas lang kami makulit.”

Magkasama sina Kim at Kyline sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.

Hindi ba niya binalak ligawan si Kyline?

Continue reading below ↓

Pabirong sabi ng Filipino-British actor-model, “Huwag muna ngayon kasi...

“Kasi, kailangan munang dumaan kay Ate Molly [Kyline’s handler].

“But she’s very pleasant, easy to work with.

“Hindi ako nahihirapan sa kanya na parang, ‘Ang arte nito, ang daming kailangan.’ Hindi siya ganyan.

“Baby pa masyado para sabihin, e.

“Alam mo yun, parang di pa siya nagbu-bloom.”

IDEAL GIRLFRIEND

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa mediacon ng Circa, na ginanap sa Limbaga 77 Restaurant, sa Quezon City, noong September 5.

Ano ang ideal girlfriend niya, kung sakali mang maisipan na niyang magkaroon ng partner in life?

Sagot ng That’s My Bae member, “God-fearing. Ganun lang.

“Hindi ako maarte, na yung kailangan magaling magluto. Yung mga ganun.

“Physically, wala din.

“Kung sino ang ibibigay sa akin ni God, yun talaga.

“Medyo boring ang sagot sa panahon natin, pero basta God-fearing, okey na ako.”

Continue reading below ↓

Samantala, ano ang masasabi niyang napapalibutan siya ng mga mahuhusay at betaranong aktor sa Circa?

Ayon kay Kim, “Ako, nakaka-pressure kasi bulol ako.

“Pero okey naman, kasi hindi sila nagalit sa akin kahit bulol ako.

“At saka, naramdaman mo naman yung respeto na ibinigay sa amin, kahit baguhan po kami sa industry.

“Kaya yung respect namin sa kanila, tumatak na din.

“Yung lagi silang on time, tamang ugali, so may paggagayahan po kami.”

Nasa cast din ng Circa ang kamiyembro ni Kim sa That’s My Bae na si Joel Palencia.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Last on his ideal girlfriend: “Medyo boring ang sagot sa panahon natin, pero basta God-fearing, okey na ako.”
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results