Julian Trono sa fake wedding nila ni Ella Cruz: "It's real feeling, e."

by Noel Orsal
Sep 10, 2019
Sa pagitan nina Ella Cruz at Julian Trono, mas naapektuhan daw si Julian sa wedding scene nila para sa A Not So Fake Love Story. Ani Julian: "It's real feeling, e."
Video: Noel Orsal.

Pinag-usapan ang kumalat na videos at photos ng "kasal" nina Julian Trono at Ella Cruz ilang araw na ang nakaraan.

Marami ang nag-akala na totoong kasalan ang naganap, pero bahagi lang pala ito ng TV series na A Not So Fake Love Story ng CignalTV.

Sa pa-presscon ng Viva Entertainment, Inc. para kay Ella dahil sa pagkakapanalo niya bilang best supporting actress sa katatapos lang na Cinemalaya film festival, nakausap ng showbiz press sina Ella at Julian at tinanong tungkol sa estado ng kanilang relationship.

Ayon kay Ella, mas affected daw si Julian sa wedding scene nila. Sabi ni Julian, kahit na hindi totoo ang kasal, "Its real feeling, e."

Na-capture daw ng same-day edit video ang emosyon niya.

Nang tanungin kung sana ay totoo na lang ang wedding nila, sagot ni Julian: "Sana isinabay na lang namin, no?"

Sunod naman ni Ella, "Sana nga po. Nagpirmahan na kami, e. Nag-'I do-I do' na naman kami do'n."

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results