Baron Geisler conferred with the title of Datu by Sulu royals

by Jerry Olea
Sep 10, 2019
King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak and Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak from the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneohave have conferred the title Datu to actor Baron Geisler.
PHOTO/S: Jerry Olea / Baron Geisler

Ipinagkaloob ng royal family nina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak ang honorary title na Datu sa aktor na si Baron Geisler nitong Setyembre 10, Martes, sa Pookaberry Cafe, 36-B Sct. Ybardolaza St., Quezon City.

Sina King Raja at Queen Helen ay mga tagapagmana ng trono ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo.

Maliban sa certificate ng Royal Appointment and Recognition, pinagkalooban ng royal couple si Baron ng medalya, singsing, at royal ID.

Ang taguri sa aktor ay "His Excellency Datu Baron Frederick von Geisler, Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity."


Continue reading below ↓

Kuwento ni Datu Baron sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, “Nagsimula po ito sa birthday ni Atty. Joe Villanueva noong August 6 sa Manila Hotel.

"He is our main pastor for Shekinah, Knights of the King Circle, and nagkataon lang po na naroon ang King and Queen.

“So, birthday po iyon ni Atty. Joe, they asked me to go to the pulpit and share my testimony.

“And I was just there, talking about my past, how bad it was, how gruesome and crazy it was.

“But, you know, by God’s Grace, I was transformed. I was reformed and I just had this spiritual awakening.

“Na ayoko nang bumalik sa kasamaan, ‘no?

"Now, since I have that peace in my heart, I have God in my heart, I also want to spread that, and share that with the people here in the Philippines and all over, kung sino man ang makasalamuha ko."

Continue reading below ↓

Patuloy ng aktor, “Marami po kaming programs. Pumupunta po kami sa iba’t ibang lugar to spread the Word.

"We will be talking about suicide prevention, mental health...

“During rehab, I was doing this service work—I call it service work.

"So, ngayon, parang siguro, nag-work siya, ‘no? Napansin ni God.

“Siguro, sabi Niya, ‘Well, Baron, sige, galing ka sa putikan, ngayon spread the Word. Kung paano kita hinilom, kung paano kita ni-restore.’

“Kasi, God is a God of Love and Restoration.

"So, maraming kabataan diyan who need help but do not know where to get it, because some of them are afraid to talk.

“Especially before, mental health was such a taboo topic.

"But now, it’s slowly, slowly becoming acceptable, accepted here in the Philippines.

“And we should let them know that there’s nothing to be ashamed of. If you need help, get some help.”

Continue reading below ↓

FILMS WITH CHRISTIAN FAMILY VALUES

Itinalaga ni Pastor Joe Villanueva si Baron sa production company ng Knights of the King Circle na magpoprodyus taun-taon ng lima hanggang pitong pelikulang may Christian family values.

“Our mission and vision is to go all over the Philippines and spread the Word.

"Tamang-tama, andiyan si King and Queen to give us safe passage anywhere in Mindanao,” matamang pahayag ni Datu Baron.

“Evangelistic po iyong congregation namin, to make things clear. They appointed me as the Executive Vice President for Media Production.

“Iyon pong gagawin naming five to seven films, series, cartoons, punung-puno po ang mga ito ng Christian family values na kailangang-kailangan ng kabataan ngayon.

“We already spoke with a lot of people. To make things clear, ayokong maging center of attraction nito.

“I won’t be directing. I’ll hire the right people.

"I’ll hire good writers, directors, because I don’t want to waste the money of the congregation. I don’t wanna waste time.

Continue reading below ↓

“I want to get the best para good quality iyong films and projects. And I don’t want to be hard pressing naman na you should convert.

“It will always come from the heart na lang sana. At least, kung may 100 na nanood, kahit isa, may makuha sila roon.

“Magkaroon sila ng relationship with our Lord Jesus Christ. And amen! Praise God!”

NOT LEAVING ANG PROBINSYANO

Marami ang nagulat nang mabalitaang ipagkakaloob kay Baron ang titulong Datu.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay na-blind item na mayroong isang aktor na nagpaalam sa kanyang TV show para bumalik sa rehab.

Kapagkuwan ay tinukoy na kesyo si Baron iyon.

“I have no comment on that. I guess, siguro, there are detractors lang siguro,” malumanay na sambit ni Datu Baron.

Itinanggi ni Baron na magpapahinga na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“But I got depressed. I got depressed for a while because... kung napapanood ng mga tao yung role ko as Bungo, siyempre coming from rehab and very spiritual... my thoughts were just really pure.

Continue reading below ↓

“Ahhm, medyo naguluhan ako.

"And then, my soon to be wife, my fiancée, she flies back and forth sa Cebu-Manila. There are times na two weeks, mag-isa ako.

“So, na-depress ako. Ahh, that’s the real story."

“Regarding naman sa rehab," patuloy ni Baron, "I went to Penuel, dati akong nagpunta roon, and I asked for spiritual guidance sa kanila.

“It’s just for me to be grounded. Kasi, becoming an artista again, siyempre nawala ako sa limelight for three years, nakaka-overwhelm siya na biglang kilala ka na naman ulit ng tao.

“So what I did was, inunahan ko na. To ground myself, na hindi lumaki ang ulo ko. And also, just to be closer to God.

“Ahhm, kasi, napaka-tricky talaga ng demonyo, e.

“It’s very, very easy... may kasabihan nga, ang tunay na matapang ay iyong gumagawa o pumupunta sa matuwid.

Continue reading below ↓

“Iyong nag-o-obey. Hindi iyong gumagawa ng kasamaan.

"Kasi, napakadali, e. Napakadaling uminom. Napakadaling tumingin sa babae nang masama.

“Napakadaling makipag-away, makipagsuntukan.

"So, I’m veering away from all the bad stuff.

"And for me, whenever I feel depressed, or ina-attack ako ng bad elements, ng demonyo...

“Ahhm, I have a spiritual family to go to. It’s a house. Penuel Home. We pray. May structure.

“I just go there. I’m a graduate there kasi. So, I’m always welcome. So, siguro, people na-misconstrue...”

LIKE A MARRIAGE

Huling tanong, ano ang pakiramdam niya habang ipinagkakaloob sa kanya ang titulong Datu?

Napangiti si Baron, “Parang ano po siya... parang ikinasal po ako sa obligations na kailangan kong gawin.

“It’s a marriage na kailangan mong i-nurture at seryosohin. At kailangan ko ring mahalin.

“And I love doing service work. So, I’m very grateful.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak and Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak from the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneohave have conferred the title Datu to actor Baron Geisler.
PHOTO/S: Jerry Olea / Baron Geisler
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results