Kapuso actress Bea Binene also open to do a movie for Star Cinema

by Melba R. Llanera
Sep 11, 2019
Bea Binene on possibility of doing a movie for Star Cinema: “Parang sino ba naman ang aayaw sa trabaho?... I think growth din naman yun, different experience for sure. If ever magkaroon ng ganung opportunity, I would be very, very grateful."
PHOTO/S: Noel Orsal

Proud na proud si Bea Binene sa tagumpay ni Alden Richards bilang bagong Box Office King para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na iprinodyus ng ABS-CBN Star Cinema.

Si Bea ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Alden sa showbiz.

“Sobrang busy niya lang talaga kaya hini pa kami masyadong nakakapagkita uli,” sansala ng Kapuso actress nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Setyembre 5, Huwebes, matapos pumirma ng kontrata bilang bagong endorser ng Erase Placenta.

“Kapag nagkita-kita kami, parang kahapon lang nagsama-sama, e.

"Siguro, ganun talaga pag alam mo na yung bonding niyo, yung friendship niyo, kalma na, yung wala nang pakiramdaman.

“Mag-text lang minsan, ‘Kumusta?’ Okay na.

"Alam naman namin na si Alden ang pinaka-busy, magugulat na lang kami na mag-aaya 'yan.

"Ganun lang, wala namang pinagbago.

“Ako, si Kristoffer [Martin], super happy kami.

"Minsan nga, nagkaka-text na lang kami ni Kristoffer, ‘Napanood mo na yung movie?’ ‘Nakita mo na yung ganito, ganyan?’

Continue reading below ↓

“Talagang happy kami for him.”

NO NETWORK WAR

Kung mabibigyan ng pagkakataon, handa ba si Bea na makagawa rin ng pelikula sa Star Cinema?

Sagot ng Kapuso actress, “Parang sino ba naman ang aayaw sa trabaho?

"Record-breaking kasi yung ginawang pelikula ni Alden at ni Kathryn [Bernardo].

“Hindi lang dahil pinakakumita siya, highest-grossing Filipino movie, pero para sa akin, record-breaking din siya, kasi ang ganda.

“Dalawang network, walang network war.

"Dalawang network, nagsama, nagtulungan.

“Si Kathryn, nag-promo sa GMA. Si Alden, nag-promo sa kanila [ABS-CBN].

"Nung premiere night nila, yung executives, nandun.

“Yun ang maganda, kasi, yung walang harang. Yun ang mas magagawa mo, e.

"Like, yung promos, yung marketing mo, wala kang limits. Kasi, walang humahadalang sa iyong network war.

“Kahit sino naman talaga, gustong magkaroon ng ganung opportunity.

"Ako, nanonood ako ng movies nila. Siyempre, it's also something new.

Continue reading below ↓

"Different world, different environment, different people.

“I think growth din naman yun, different experience for sure.

"If ever magkaroon ng ganung opportunity, I would be very, very grateful.”

Sinu-sino sa Kapamilya actors ang bet niyang makapareha, just in case?

“Parang kahit sino," sambit ni Bea.

"In fairness kasi sa guys nila, like sina Enrique [Gil], Daniel [Padilla], Joshua [Garcia], mahuhusay umarte, di ba?

“Parang ang gagaling, so kahit sino mapunta, magtutulungan talaga kayo, maghihilahan kayo pataas.

“Kahit naman sino. Choosy pa ba? Binigyan na nga ng trabaho, choosy pa ba?"

BEAUTIFUL JUSTICE VS ANG PROBINSYANO

Kabado si Bea na ang katapat ng bagong primetime series niyang Beautiful Justice ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Pahayag ni Bea, “Parang kahit naman sinong itapat, parang kakabahan naman, di ba?

"‘Sigurado po ba kayo?’ tanong ko nga sa kanila. ‘Weeh?!’ ganun.

Continue reading below ↓

“Pero sabi ko nga, sana hindi nila makita ang Beautiful Justice as something na katapat lang ng Probinsyano.

“Sana pag napanood nila, bigyan nila kami ng chance na walang bias.

"Yung first week lang, panoorin lang nila na walang bahid ng anything.

"Clean slate, kumbaga, maganda yung story, bigyan nila ng chance yung story.

“Very relevant and current din kasi yung issues na pinapakita at tinatalakay sa show."

Pagmamatuwid ni Bea, desisyon ito ng management ng GMA-7. Bilang talent ng network ay sumusunod lang sila.

“Trabaho talaga, hindi namin call yun.

"Nagtitiwala yung network na maganda yung show, so magtiwala tayong lahat.

“Hindi para to go up against anything, but nagtitiwala sila dahil alam nilang maganda at magugustuhan ng tao."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene on possibility of doing a movie for Star Cinema: “Parang sino ba naman ang aayaw sa trabaho?... I think growth din naman yun, different experience for sure. If ever magkaroon ng ganung opportunity, I would be very, very grateful."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results