Janella Salvador attends birthday celebration of Markus Paterson’s mom in Pangasinan

by Arniel C. Serato
Sep 11, 2019
Markus Paterson and Janella Salvador were spotted photographed having a chat while eating at the actor's ancestral house in Pangasinan during his mother's 60th birthday celebration.
PHOTO/S: Courtesy: @Jhune / Liezel Cruz on Facebook

Marami ang kinilig at natuwang mga kamag-anak at kaibigan ni Markus Paterson sa selebrasyon ng ika-60 kaarawan ng ina nitong si Norma Paterson noong September 7.

Ito ay dahil dumalo ang napapabalitang girlfriend ng newbie actor na si Janella Salvador.

Sa ancestral house nina Markus sa San Manuel, Pangasinan, ginanap ang salu-salo; at sa gym naman ng Sto. Domingo National High School ginanap ang programa.

Narito ang posts ng ilang netizens na dumalo sa pagtitipon, kung saan pinagkaguluhan ng mga kababayan ni Markus ang The Killer Bride actress:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram account, binati ni Markus ang kanyang ina noong kaarawan nito.

Sabi nito sa kanyang post (published as is):

“Happy birthday to this wonderful hard working woman.

"Maraming salamat sa lahat ng sacrifices mo saakin.

"Thank you for always being there for me even though I'm annoying af.

"Love you so much.”

Continue reading below ↓

Wala namang post si Janella sa Instagram tungkol sa kanyang pagdalo sa birthday party ng ina ni Markus.

MARKUS AND JANELLA IN A RELATIONSHIP for real?

Isang dumalo sa birthday party ng ina ni Markus, ang nagkomentong may relasyon na diumano sina Markus at Janella ngunit pinapanatili muna nila itong pribado.

Continue reading below ↓

Matatandaang noong nakaraang August 16, sinabi ni Markus na gusto nila ni Janella na maging pribado kung anuman ang meron sa kanila.

Sabi pa niya, “Yes, mas maganda private.

"Kasi, obviously, with my experience and her experience, parang nag-agree kami na it's better na para sa aming dalawa lang.

"Parang whatever we have, it's just for us, kasi ang daming makikialam.

"It’s harder when there are so many other people involved in whatever we have.”

Sa nasabi ring panayam, inamin ni Markus na nakilala na niya ang mga magulang ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

Sa set ng Maalaala Mo Kaya (MMK) nitong taon lamang nagkakilala sina Markus at Janella.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson and Janella Salvador were spotted photographed having a chat while eating at the actor's ancestral house in Pangasinan during his mother's 60th birthday celebration.
PHOTO/S: Courtesy: @Jhune / Liezel Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results