Lani Misalucha, Christian Bautista stress importance of being respectful

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2019
Seasoned singers and The Clash Season 2 judges Lani Misalucha and Christian Bautista emphasize the importance of being respectful in the music industry.
PHOTO/S: Noel Orsal

Idiniin nina Lani Misalucha, 50, at Christian Bautista, 37, na importante sa isang singer, lalo na sa mga baguhan, ang pagiging marespeto sa mga tao sa industriya.

Kaugnay ito ng pagtu-tweet ng isang "Tawag Ng Tanghalan" contestant sa It’s Showtime laban sa veteran composer-hurado na si Louie Ocampo.

Dahil sa pagkritiko ni Louie sa contestant na si Shantal Cuizon, nag-tweet ang huli ng “hustisya” at “composer ka lang” patungkol kay Louie.

Nag-public apology si Shantal sa pamamagitan ng show, pero pinagsabihan ito ni Vice Ganda at iba pang hurado tungkol sa kahalagahan ng magandang asal.

LANI MISALUCHA

Sina Lani at Christian ay mga hurado sa The Clash Season 2, ang reality singing search ng Kapuso Network.

Sa GMA All New Primetime red-carpet event sa Shangri-La Mall nitong Martes ng gabi, September 10, tinanong sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa inasal ng "Tawag ng Tanghalan" contestant.

Continue reading below ↓

Ayon kay Lani, “Importante ang character mo.

“Siyempre, unang-una, doon makikita ang personalidad mo.

“Minsan, kung ano yung nasasabi mo, yun na ang personality mo. Ganoon ka nadya-judge, di ba?

"Kaya it would really be very, very nice if the contestant is also nice.”

Patuloy niya, “Only because you’re in a competition, you’re in a contest… you are competing, might as well give respect to the ones who are actually giving comments or judge themselves.

“Kailangan ng respeto sa buhay.”

Bilang hurado sa The Clash, paano idya-judge ni Lani ang isang talentadong singer na hindi maganda ang ugali?

Tugon ng Asia's Nightingale, “Unang-una, singing contest, hindi naman character contest.

"Well… wala tayong magagawa kung talagang napakahusay ng contestant, pero hindi kagandahan ang ugali...

“We cannot do anything about it, this is a singing contest.

Continue reading below ↓

“So we’re gonna judge them according to their talent.”

Pero sang-ayon ba siyang hindi lang talent ang kailangan ng isang singer?

“Of course, especially in this industry,” mabilis na sagot ng seasoned singer.

Bilang batikang mang-aawit, may napagsabihan na ba si Lani na baguhang singer na nagpakita ng hindi magandang asal?

“I think I have encountered… seen an artist, but that was years, years back, and I was starting in the industry,” sagot ni Lani.

“Siyempre, nakakabigla na bago pa lang ako sa industriya, ang bata [ko] pa, hindi mo alam kung yun ang tama o hindi.

“But, of course, malalaman mo naman na parang nakaka-off, di ba, ganoon yung pag-uugali.

"But, of course, I could not approach that person because I was a beginner.”

May recent experience ba siya sa bagong singer?

“Recently, parang wala pa naman. Buti naman wala pa.”

Continue reading below ↓

CHRISTIAN BAUTISTA

Para naman kay Christian, ang pagiging marespeto ay mahalaga, hindi lang sa mga baguhan, kundi pati na rin sa mga batikang mang-aawit.

Saad ng Asia's Romantic Balladeer, “I hope that the attitude of the aspiring singers, kahit na professional singers, kahit na matanda, old or new...

"I hope na even if we’re having the worst days of our lives, ang hirap to control our character, because we really have bad days, right?

“Sana ang umiral pa rin, respect for ourselves and for others.”

May napagsabihan na ba siyang baguhang singer dahil sa hindi magandang ugali nito?

“Not necessarily a disrespectful attitude, pero I tried to give advice to someone na nadi-depress.

"Parang, halimbawa walang nangyayari, parang, halimbawa sa hard season… So, mas iyon.

“Pero yung disrespect, wala pa naman,” ani Christian.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seasoned singers and The Clash Season 2 judges Lani Misalucha and Christian Bautista emphasize the importance of being respectful in the music industry.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results