Kapuso actress Mikee Quintos admits dating non-showbiz guy

by Jet Hitosis
Sep 11, 2019
Mikee Quintos confirms she's now dating a non-showbiz guy who understands the demands of her job as an actress. Mikee is among the cast of GMA's new primetime series The Gift, airing on Monday, September 16.
PHOTO/S: Noel Orsal

Aminado si Mikee Quintos na kinikilig siya kay Alden Richards, pero mas gusto niyang non-showbiz ang kanyang karelasyon.

Magkasama sina Mikee at Alden sa bagong GMA teleserye na The Gift, kung saan gaganap ang 21-anyos na aktres bilang kaibigan ni Alden na may lihim na gusto sa binata.

Ito ang unang beses na nagkatrabaho sina Mikee at Alden.

Sabi ni Mikee tungkol kay Alden, “Kahit sa mga kapwa namin artista, he serves as an inspiration.”

Paliwanag niya, “Kasi lahat ng naging success na naabot niya ngayon, achievements niya, nagawa niya nang hindi siya nagbabago.”

Ipalalabas na ang The Gift simula sa Lunes, September 16, sa GMA Telebabad.

EXCLUSIVELY DATING A NON-SHOWBIZ GUY

Prangka ring inamin ni Mikee na kinikilig siya kay Alden.

“Oo naman,” anang aktres. “Very sweet naman kasi 'yang si Alden off cam.”

Ayon pa kay Mikee, okay lang sakaling ma-link siya kay Alden.

Continue reading below ↓

Pero sa totoong buhay, mas gusto raw niyang hindi taga-showbiz ang kanyang boyfriend.

Kasunod nito, ibinalita ni Mikee na sa ngayon ay may idine-date siyang non-showbiz guy, na ayaw muna niyang pangalanan.

Sa panayam kay Mikee ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng The Gift nitong Lunes, September 9, sa Quezon City, naikuwento ng aktres na kaibigan niya ang guy since high school days.

Kaga-graduate lang daw ng guy ng business management sa De La Salle University.

Architecture ang kasalukuyang tinatapos ni Mikee sa University of Santo Tomas.

Sinabi pa ni Mikee na ngayong taon lang sila nagsimulang mag-date.

NO PRESSURES, JUST RESPECT FOR MIKEE

Para kay Mikee, naa-appreciate niya ang pagiging “matiyaga” ng kanyang 22-year-old special someone, at ang pag-unawa nito sa trabaho niya bilang artista.

“Bago lang din sa kanya na mag-date ng someone na nasa industriya.

“Iba din yung… siyempre mala-love team ka sa mga ibang guys, or yung schedule mo… yung oras.

Continue reading below ↓

“So far, naging smooth yung pagtanggap niya sa mga ganun namin.

“Walang reklamo. Hindi niya ako pine-pressure na 'kailangan ganito ka sa akin, ganito, ganyan,' hindi.

“Inirerespeto niya yung trabaho ko, and for me malaking bagay yun.

“Kasi alam kong mahirap mag-date ng artista, sa mga demands na meron… lagi kang may kaagaw.”

Ang miyembro ng boy band na T.O.P. (Top One Project) na si Louie Pedroso ang huling nakarelasyon ni Mikee noong 2017.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Quintos confirms she's now dating a non-showbiz guy who understands the demands of her job as an actress. Mikee is among the cast of GMA's new primetime series The Gift, airing on Monday, September 16.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results