Is John Lloyd Cruz's new haircut his way to woo Ellen Adarna back?

by Arniel C. Serato
Sep 11, 2019
Ellen Adarna and John Lloyd Cruz were spotted separately in public, fueling rumors about their breakup last June 2019.
PHOTO/S: Courtesy: ANNE JELIQUE EDANO ON FACEBOOK / @myphotographs89 on Instagram

Nitong unang linggo ng Setyembre, lumabas ang balitang nagkakamabutihan muli sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ang rason: dahil nagpagupit na raw si John Lloyd.

Namataan kasi ang aktor na mag-isang pagala-gala sa bayan ng Moalboal, sa Cebu. Kapansin-pansin ding nagpa-trim na ito ng kanyang buhok at balbas.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aming source na malapit sa parehong kampo nina John Lloyd at Ellen upang kumpirmahin ang balita.

Ayon sa kanyang mensahe ngayong araw, September 11, wala siyang personal na impormasyon tungkol sa balitang nagkabalikan na ang dalawa.

Pero hindi raw naniniwala ang source na nagkaayos na ang dalawa dahil lamang sa pagpapagupit ni John Lloyd.

Sabi ng PEP.ph source, “Kakatawa naman 'yan. Ang babaw.

“Gupit lang talaga, hahaha.”

Wala namang iba pang makapagkumpirma sa balitang pagbabalikan nina John Lloyd at Ellen.

Noong unang linggo ng Agosto 2019, sinabi ng PEP.ph source na hiwalay na nga ang dalawa.

Continue reading below ↓

Si Ellen daw ang nakipaghiwalay sa aktor dahil hindi na nito maintindihan ang ikinikilos ni John Lloyd.

“Too weird” na raw si John Lloyd.

"Co-parenting" daw ang status ng dalawa sa kanilang anak na si Elias Modesto.

Nitong September 8 naman, namataan si Ellen sa opening ng isang wellness spa sa Cebu, kung saan isa ang semi-retired actress sa nag-cut ng ribbon.

Bago ito, sinorpresa ni Ellen ang kanyang mga tagahanga nang sumailalim siya sa isang "mommy makeover" nitong nakaraang huling bahagi ng Agosto.

Kaya hinala ng netizens, magbabalik-showbiz si Ellen.

JOHN LLOYD SOLO ADVENTURE

Matapos ang pagliliwaliw ni John Lloyd sa Moalboal, Cebu, sa Badian naman ito namasyal kasama ang ilang non-showbiz friends.

Dito ay sinubukan ni John Lloyd ang Badian Zipline Adventures, ang pinakamahabang zipline sa southern part ng Cebu.

Continue reading below ↓

Marami pang extreme adventures ang sinubukan ni John Lloyd sa biyahe niyang ito sa may Kawasan Falls.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, mukhang sa isang budget hostel lamang nag-stay ang aktor sa Cebu.

Read Next
Read More Stories About
Ellen Adarna, John Lloyd-Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and John Lloyd Cruz were spotted separately in public, fueling rumors about their breakup last June 2019.
PHOTO/S: Courtesy: ANNE JELIQUE EDANO ON FACEBOOK / @myphotographs89 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results