Thia Thomalla, Mikee Quintos get bashed on social media for being paired with Alden Richards

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2019
Thia Thomalla (left) and Mikee Quintos (right) are paired with Alden Richards (center) in the upcoming prime-time series The Gift.
PHOTO/S: Noel Orsal

May bagong leading ladies si Alden Richards sa upcoming GMA-7 prime-time series na The Gift: sina Thia Thomalla at Mikee Quintos.

Ito ang unang major project ni Thia, isang Filipino-German beauty queen na kinoronahang Miss Eco-International noong 2018.

Unang beses ding maipareha si Alden sa kaibigan nitong si Mikee, na gumanap na Lira sa Encantadia (2016) at Maila sa Onanay (2018).

Aminado sina Thia at Mikee na nakatanggap sila ng bashing sa social media dahil sa pagiging leading ladies ng aktor sa The Gift.

Ito ay dahil highly identified si Alden bilang kapareha ni Maine Mendoza at ang phenomenal love team nilang AlDub.

Nagsimula ang love team nina Alden at Maine noong 2015 at nagtagal ito ng halos tatlong taon.

Pero bago ito, naipareha na rin ni Alden kina Marian Rivera (Carmela, 2014) at Louise delos Reyes (Alakdana, 2011; One True Love, 2012; Mundo Mo'y Akin, 2013).

THIA AND MIKEE ON ONLINE BULLYING

Na-interview ang cast ng The Gift sa ginanap na GMA All New Primetime red-carpet event sa Shangri-La Mall nitong Martes ng gabi, September 10.

Continue reading below ↓

Dito ay inusisa sina Thia at Mikee kung nakaranas ba sila ng bullying sa social media dahil naipareha sila kay Alden.

Hindi naging direkta ang sagot ni Thia, pero batay sa sagot niya ay tila nakaranas siya nito.

Aniya, “I always have believed na there are a lot of people you can’t please, and then some people who will not be happy about what you do or whatever you are doing in your life.

“But what I admire about Alden’s fans would be that they are very protective kay Alden.

“And I admire that kasi bihira na lang yung loyalty sa mga fans ngayon.

“I think, you know, that he is very lucky with them to have them in his life."

Pagpapatuloy ni Thia, "To answer your question about experience being bullied…

“Even in school, I have experienced that, so I am not really surprised that it also happens nowadays.

Continue reading below ↓

“Kasi, I don’t think it is just happening to me, but to a lot of people.

“So, I think, what I can encourage people to do is to be mindful of what they say, rather than just saying something.

“Kasi, imagine if those words would come back to you…”

Diretso naman ang tugon ni Mikee.

“Yes, to answer that question din," sabi niya.

Pero hindi na raw ito bago sa aktres.

“Meron din naman po akong mga nababasa since my first-ever project, Encantadia.

“Feeling ko na-build ko sa sarili ko, ayokong nagbabasa ng mga comments—good or bad—kasi madali akong ma-hurt.

“Pero na-realize ko din na hindi siya maiiwasan.”

Tinitingnan na lamang daw ni Mikee sa positibong pananaw ang sitwasyon.

“At the end of the day, yung mga taong nakakasalubong mo every day, yung mga ngumingiti pag nakikita ka, sila yung nagpapaalala sa akin kung bakit ako nandito.

Continue reading below ↓

“Yung purpose na yun, yung giving smile to other people, mas nananalo yun, kahit anong bash na nasasabi nila.”

THIA ON BEING PAIRED WITH ALDEN

Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Thia at Mikee tungkol sa malaking roles na ipinagkatiwala sa kanila sa The Gift.

Ani Thia, "Super, super lucky. I feel super blessed.

“The project is a huge blessing in my life right now being part of The Gift, and also working with Alden is also a huge blessing in my life.”

Ano ang naging reaksiyon ni Thia nang malaman niyang ipapareha siya kay Alden?

“I cried tears of joy and I was walking down the street pa.

“Crossing the street and I got the call, and I was crying all the time,” pag-alala niya.

Ramdam din daw ng beauty queen-turned-actress ang pressure.

“Yes, nakaka-pressure talaga siya.

Continue reading below ↓

“May days na hindi ako nakatulog kasi pressured na nga, pero I accepted the challenge because, I believe, kung walang pressure, walang different outcome.

“Nakaka-pressure talaga siya.

“It gives me the challenge and determination to do better as an actress and as a human.”

MIKEE NEVER EXPECTED TO BE PAIRED WITH ALDEN

Ganito rin ang nararamdaman ni Mikee.

“The pressure is there, lalo na ang laki ng movie ni Alden ngayon,” pagtukoy ni Mikee sa pelikula nina Alden at Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye, na pumalo na ng halos P1 billion ang kita worldwide.

Pagpapatuloy ng Kapuso actress, “But, like I said, if you use the pressure the right way and you use it as motivation, it’s gonna give you more than you expect from yourself."

Inasahan ba niyang makakapareha si Alden?

“Actually, hindi. Never ko na-imagine,” pag-amin ni Mikee.

Continue reading below ↓

“Yeah, it’s a challenge. Medyo matagal bago siya nag-sink in.”

Natutuwa raw ang aktres kay Alden na nag-e-effort para maging kumportable sila.

“He’s been very sweet.

“He really goes out of his way para ma-feel naming okay lang maging comfortable kami sa kanya.

“Nakakatulong ang pagiging ganoon niya.

“And friends na kami before pa. Naging madali naman with him.”

Binanggit din ni Mikee na kahit inasahan niyang maba-bash siya, hindi raw niya maiwasang hindi maapektuhan.

“I talked about bashing earlier and being paired with Alden… it’s kind of expected.

“Even if you expect it, minsan hindi mo din ine-expect na maa-affect ka, yung ganoon...

“Pero natututo ako maging matapang and lalong nari-remind ako kung bakit ako nandito in the first place—yung pagmamahal ko for may craft, yung mga taong nakakatrabaho ko, the creative team...

Continue reading below ↓

“Never ko in-expect na magbibigay sila ng ganitong role sa akin, and I don’t want them to regret giving that to me.

“So I really wanna do my best.”

Magsisimula ang The Gift sa GMA Telebabad sa September 16.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thia Thomalla (left) and Mikee Quintos (right) are paired with Alden Richards (center) in the upcoming prime-time series The Gift.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results