Sultanate of Sulu insists Baron Geisler's Datu title is fake

by Jet Hitosis
Sep 11, 2019
Baron Geisler (right) shows the certificate ng Royal Appointment and Recognition that he received yesterday, September 10, from the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo after he was conferred the title of a Datu. However, the government-recognized Sultanate of Sulu insisted that the actor's title is "fake."
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram

Peke umano ang titulong Datu na iginawad sa aktor na si Baron Geisler.

Ito ang iginiit ngayong Miyerkules, September 11, ng diplomatic representative ng Sultanate of Sulu & North Borneo, upang pabulaanan ang legitimacy ng titulong iginawad sa aktor kahapon, September10, bilang “Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity.”

Sa official statement na ipinadala ngayong Miyerkules sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), iginiit ni Datu Sadja Matthew Pajares-Yngson, DCPS KCR FRSA, diplomatic representative ng Sultanate of Sulu & North Borneo, na “fake” ang royal title ni Baron dahil nagmula ito sa “false pretenders.”

Ayon kay Pajares-Yngson, secretary general din ng Royal Order of the Pearl of Sulu, ang Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo na naggawad ng honorary title kay Baron ay “not even recognized by the Philippine government as one of the claimants to the Sultanate of Sulu.”

Continue reading below ↓

Binigyang-diin din sa pahayag na sina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Panolino Abdurajak—na nagkaloob ng titulo kay Baron—ay “both commoners with no royal blood.”

THE ONLY GOVERNMENT-RECOGNIZED SULTANATE OF SULU

Ang official statement, ayon kay Pajares-Yngson, ay nagmula sa lehitimo at kinikilalang sultanato sa Sulu, na pinamumunuan ni His Royal Majesty Ampun Sultan Hadji Muedzul-lail Tan Kiram.

Siya ang ika-35 sultan ng Sulu, at Raja Muda (Crown Prince) ng kanyang ama na si Sultan Mohammad Mahakuttah Abdulla Kiram, na pumanaw noong 1986, batay sa mga dokumentong kalakip ng pahayag.

Nakasaad din sa pahayag na ang pagkilala sa sultanato ay alinsunod sa Memorandum Order 427 na ipinalabas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong May 20, 1974.

Batay sa mga dokumento, kinikilala ang sultanato ng iba pang royal families sa mundo at miyembro rin ng Unrepresented Nations and Peoples Organization (UNPO).

Ang kabuuan ng official statement at mga dokumentong sumusuporta rito ay naka-post sa official Facebook page ng sultanato, ang The Royal House of Sulu.

Continue reading below ↓

“KING AND QUEEN,” INTO SCAMMING?

Sa panayam ng PEP.ph sa pamamagitan ng email, sinabi ni Pajares-Yngson na bagamat kilala sa Jolo at ng mismong sultan ang mag-asawang Tausug na Abdurajak, “they are not residents of Sulu because what they are doing is against the teachings of Islam.”

Continue reading below ↓

Hindi rin umano ito ang unang insidente ng “scamming” mula sa nagpapakilalang sultanato sa Sulu, na “have claimed many things in the last few years.”

Kuwento ni Pajares-Yngson, “They have been approached not only by the current recognized claimants of the Sultanate of Sulu but have still not stopped their scamming.”

Aniya, bagamat nais nilang magsagawa ng legal action laban sa mga Abdurajak, walang umiiral na batas sa bansa para sa mga historical at indigenous claims.

“Unfortunately, the Republic of the Philippines does not have a law with regards to historical and indigenous claims,” sabi ni Pajares-Yngson.

Dagdag pa niya, “If we could have taken legal action in the Philippines against all false pretenders, we would have done so decades ago.

“Many of the other claimants recognized by the Philippine government are within the House of Kiram so this Abdurajak family is clearly not of royal blood,” paliwanag pa ni Pajares-Yngson.

Continue reading below ↓

CONFERRING ROYAL TITLES

Aniya pa, iilan pa lang ang nagawaran ng royal titles ng Sultanate of Sulu.

Mabusisi ang proseso sa pagkakaloob ng pagkilala “to people who have contributed to the well-being of the Sultanate and the Tausug people,” ayon kay Pajares-Yngson.

Paliwanag pa niya, “The only ‘real’ Datus from birth are normally the ones that are part of the House of Kiram.

“Commoners can be granted titles depending on their services to the Sultanate but this is rare and often a long process,” sabi pa niya.

Kasabay nito, iginiit ni Pajares-Yngson na sakali mang magkakaloob sila ng pagkilala sa isang kilalang personalidad, hindi nila ito maaaring ipagkaloob kay Baron dahil “his previous actions are against the teachings of Islam.”

AMBASSADOR FOR PEACE AND PROSPERITY

Iniulat kahapon, September 10, ang pagbibigay ng honorary title na Datu kay Baron, na ginawa sa Pookaberry Café sa 36-B Sct. Ybardolaza Street, Quezon City.

Continue reading below ↓

May media coverage ang pagtanggap ni Baron ng certificate ng Royal Appointment and Recognition, kaakibat ng napaulat na bagong titulo ng aktor—“His Excellency Datu Baron Frederick von Geisler, Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity.”

Sinikap ng PEP.ph na mahingan ng reaksiyon si Baron sa insidente, pero hindi niya sinasagot ang ipinadala naming direct message sa Instagram hanggang sa mailathala ang report na ito.

Ilalathala ng PEP.ph ang pahayag ni Baron sa usapin kapag nakuha na namin ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler (right) shows the certificate ng Royal Appointment and Recognition that he received yesterday, September 10, from the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo after he was conferred the title of a Datu. However, the government-recognized Sultanate of Sulu insisted that the actor's title is "fake."
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results