Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted in Japan for short vacation

by Arniel C. Serato
Sep 12, 2019
Netizens post photos of Kapuso star Maine Mendoza and Kapamilya actor Arjo Atayde taken from the airport and in Osaka, Japan last week.
PHOTO/S: Courtesy: @everythingarmaine / @mei9473 on Instagram

Spotted na nagbakasyon sa Osaka, Japan, nitong nakaraang linggo ang rumored couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Dahil parehong kilalang personalidad, sa airport pa lang ay hindi na nakaiwas sina Maine at Arjo sa mga gustong magpa-picture sa kanila.

Continue reading below ↓

Hindi man nag-post sa social media sina Maine at Arjo ng mga larawang magkasama sila sa Osaka, may netizens naman doon ang nakapagpa-selfie sa kanila.

Ayon sa mga ulat, isang mabilisang bakasyon lamang ito kasama ang ilang kaibigan dahil abala si Maine sa pelikulang ginagawa nito kasama si Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings.

Continue reading below ↓

Si Arjo naman ay abala rin sa taping ng Kapamilya primetime series na The General’s Daughter.

Continue reading below ↓

Nitong mga nakaraang buwan, namataan ding magkasama sina Maine at Arjo sa Taiwan, Universal Studios Singapore, at Bali, Indonesia.

Unang bahagi nitong taong 2019 ay umamin ang dalawang exclusively dating na sila.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa nila kinumpirma kung official na ang relasyon nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens post photos of Kapuso star Maine Mendoza and Kapamilya actor Arjo Atayde taken from the airport and in Osaka, Japan last week.
PHOTO/S: Courtesy: @everythingarmaine / @mei9473 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results