PBB Otso’s Franki Russell at Diana Mackey, nilagpasan ang MayWard at The 1975 sa Twitter

by Rommel R. Llanes
Sep 12, 2019
Nakipagkulitan at tsikahan sina Franki Russel at Diana Mackey sa kanilang fans nung Martes, September 10, via the live streaming app KUMU. Sa tindi ng pagkalat ng #StarHunKumuFRANKIANA sa Twitter, nalagpasan tuloy nila bilang trending topic pati na ang upcoming concerts ng Maymay Entrata-Edward Barber love team at The 1975.

Nung nakaraang Martes, September 10, naging top trending topic sa Twitter ang #StarHuntKumuFRANKIANA dahil sa Pinoy Big Brother Otso alumni na sina Franki Russell at Diana Mackey.

Pumalo ng lagpas sa 75,000 tweets ang nabanggit na hashtag at nalagpasan pa nito bilang topics sa Twitter ang upcoming Maymay Entrata-Edward Barber, aka MayWard, concert, pati na rin ang nalalapit na concert ng English rock band na The 1975.

Ang dahilan ng kanilang pag-trending ay dahil sa pagla-live stream nila gamit ang live streaming app na KUMU.

Nakipagtsikahan, bumati, at sumagot sa mga tanong ng kanilang fans sina Franki at Diana, na may bonus pang pag-join ng PBB batchmate nilang si Kiara Takahashi.

Dahil sa dami ng mga nanood sa live streaming nina Franki at Diana nung araw na iyon, panaka-nakang nagka-crash tuloy ang KUMU, pero nakaka-connect naman muli agad ang masusugid ng fans ng FRANKIANA.

Tweet nga ni @gay_maca: “One of the historical events in PH.”

Continue reading below ↓

Patunay naman ni @lalalis63725277 na nag-number one nga sa Trending Topic sa Twitter ang FRANKIANA ito ang na-tweet niya:

Continue reading below ↓

Heto ang highlights ng KUMU live stream nina Franki at Diana nung Martes.

Marami na rin ang agad na nagre-request ng part two ng KUMU live stream session nina Franki at Diana.

Kaya para hindi ninyo ma-miss at maka-join sa kulitan with other FRANKIANA fans, download the KUMU app from Google Play at App Store.

Patuloy na nagiging popular ang KUMU na kaka-achieve lang ng kanilang 1 million download nung August. Nakakaadik naman kasing talaga ang live streaming app na ito na hindi lang nagpapa-live stream ng paborito ninyong celebrities, influencers, at sikat na users ng app, kung nagbibigay rin ng mga papremyo sa pamamagitan ng kanilang interactive games katulad ng Munch Time, That Lyric Show, Beki Quiz, Sing Tanong, May Tama Ka, and Rumble Radio.

Kaya huwag ka nang pahuli sa mga susunod na live streaming sessions mula sa KUMU. Download na agad!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakipagkulitan at tsikahan sina Franki Russel at Diana Mackey sa kanilang fans nung Martes, September 10, via the live streaming app KUMU. Sa tindi ng pagkalat ng #StarHunKumuFRANKIANA sa Twitter, nalagpasan tuloy nila bilang trending topic pati na ang upcoming concerts ng Maymay Entrata-Edward Barber love team at The 1975.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results