Vice Ganda also shocked by results of Mariane-Mariko TNT showdown

by Arniel C. Serato
Sep 13, 2019
Nais ding ipalinaw ni Vice Ganda sa mga hurado ang naging resulta ng tapatan nina Mariko Ledesma at Mariane Osabel sa Tawag ng Tanghalan.
PHOTO/S: Vice Ganda Instagram

Habang nagaganap sa It’s Showtime studio ang "Tawag ng Tanghalan" Ultimate Resbakan nitong Huwebes, September 12, trending naman sa Twitter ang hashtag na #JusticeForMariane.

Patungkol ito sa diumano’y hindi makatarungang pagkalaglag ng contestant na si Mariane Osabel sa isa sa inokupahan nitong “Seats of Power.”

Ang "Tawag ng Tanghalan" (TNT) ay ang amateur singing contest na napapanood sa noontime show ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Natalo si Mariane ng isa pang resbaker na si Mariko Ledesma dahil 16 percent lamang ang botong nakuha ng una mula sa mga hurado.

Ang mga hurado noong Martes, September 11, ay sina Louie Ocampo (Punong Hurado), Dulce, Karylle, K Brosas, at Jaya.

Pagkatapos ng kumpetisyon noong Martes, bumaha ng simpatiya para kay Mariane sa Twitter.

Iprinotesta ng netizens ang mababang grado na nakuha ni Mariane mula sa mga hurado.

Ayon sa netizens na nakapanood ng episode, kahit anong computation ang gamitin, imposible raw na makakuha si Mariane ng 16 percent dahil wala namang mali sa performance nito.

Paano raw nila narating ang score na yun gayong hindi naman ito naibigay sa isa pang resbaker na nakabangga ni Louie Ocampo sa isa pang episode.

Si Mariane din ang hinirang na Hurado’s Choice at Madlang People’s Choice sa lahat ng Ultimate Resbakers.

Dahil sa pagkatalo ni Mariane, ibinigay sa pangalawang top scorer na si Windimie Yntong ng Visayas ang Madlang People's Choice.

Continue reading below ↓

Dahil sa isyu, pinukaw ng netizens ang kamalayan ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis, at ibang hurado.

Nauna nang sumagot si K Brosas tungkol dito.

Sabi ni K sa mga nagrereklamo sa resulta: “Daming hanas pag mataas ang TXT VOTES.. chika pa kayo na dapat mas mataas percent ng hurados scores..

Continue reading below ↓

“PERO hanas pa din pag Natalo dahil mas mataas ang hurados scores kesa txt votes? Eh ganon po talaga..

"At tandaan madaming sikat ngayon na Di naman nag grand winner. Peace!”

VICE GANDA REACTS

Kagabi, September 12, nagbigay rin ng kanyang pahayag si Vice tungkol sa isyu.

Nais din daw sana niya itong liwanagin sa mga hurado, ngunit maliban kay Louie ay iba raw ang set of judges sa araw na yun, kaya hindi niya ito nabigyang linaw pa sa kanila.

Pero inamin ni Vice na na-shock din siya sa naging resulta.

Sabi ni Vice sa kanyang tweet: “Ok for the TnT fans tweeting me.

"I talked to the staff and told them that the viewers’ sentiments have to be acknowledged.

"So i asked if we can hear a word from Sir Louie since sya lng ang judge kahapon na present kanina.

“I was told na the Hurados will talk and will come up with a statement after.

Continue reading below ↓

"They’re aware na madaming disappointed.

"I myself was shocked.

"And i would love to hear and respect what they would have to say.

"So lets just wait. Love u guys!”

Continue reading below ↓

MARIANE OSABEL ADDRESSES ISSUE

Sa kanyang Facebook account kahapon, inamin ng na-eliminate na TNT contestant na si Mariane Osabel na naguluhan at nadismaya rin siya sa resulta.

Pero nagpapasalamat pa rin siya sa lahat ng suportang ipinakita sa kanya ng madlang pipol.

Mensahe ni Mariane [published as is]: “Good morning beautiful people!

"I don’t know where to start but I can only say how thankful and blessed I am.

"I know a lot of you are confused and frustrated, so am I.

"But don’t worry kasi hindi ako magpapaapekto and that wont stop reaching for my goal!

"Kung hindi para sa akin, kahit ano pang gawin ko, tumambling man o lumuhod, di talaga yan akin.

"HAHA, but anyways, I CAN NEVER SAY THANK YOU ENOUGH, Maraming salamat po sainyong walang sawang supporta, mahal na mahal ko po kayong lahat.

"Dahil sainyo, nawala doubt ko sa sarili ko, napapasmile nalang ako sa mga posts, messages,and comment.

Continue reading below ↓

"Nakaka gaan talaga ng damdamin.

"Sa lahat ng supporters ko, sorry.

"I really did my best, but I guess my best wasn’t good enough (Charot)

"Cheer up na tayo guys, this is only the beginning.

"I will never stop. Makakalimutan man natin ang mga pangyayari, but He is always watching.

"I LOVE YOU ALL!"

Continue reading below ↓

Si Mariko naman ay tanging “Love me or hate me" ang post sa kanyang Instagram.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nais ding ipalinaw ni Vice Ganda sa mga hurado ang naging resulta ng tapatan nina Mariko Ledesma at Mariane Osabel sa Tawag ng Tanghalan.
PHOTO/S: Vice Ganda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results