Super Tekla hopes to settle misunderstanding with Willie Revillame in due time

by Rose Garcia
Sep 13, 2019
Super Tekla on his attempts to talk to Willie Revillame: “Inaano ko kung in what way ko... well, si Kuya, may nagsabi sa akin na ang dali lang naman niya anuhin, pero ang hirap niyang tiyempuhan. Siguro, naghihintay lang din ako.”
PHOTO/S: Rose Garcia / GMA-7

Inamin ni Super Tekla na kung hindi dahil sa Wowowin ni Willie Revillame ay walang Super Tekla.

Pero nang mawala si Super Tekla sa daily variety-game show ni Willie, nagkasunud-sunod din ang mga magagandag oportunidad sa kanya sa Kapuso network.

Nauna na ang The Boobay And Tekla Show (TBATS) nila ni Boobay, 'tapos ay ang launching movie niya na Kiko En Lala.

Blessing ba ang pagkawala niya sa Wowowin?

Ayon kay Super Tekla, “Ang hirap sagutin, siyempre sobrang blessing in a way dahil sa Wowowin, doon talaga, e, nag-umpisa ako, nandoon na ako, pero hindi pa rin napapansin.

"Pero ang Wowowin, yun ang nagpako talaga sa akin.

“Aaminin ko talaga, I have several shows, The Boobay And Tekla Show...

"Pero every time na nasa raket ako or nasa ibang bansa, naa-address nila yung Wowowin, nakadikit pa rin sa akin.”

Bakit sumasama ang loob niya?

“Siyempre, yung... uy, three years na rin po yun!” natawang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview niya sa GMA Network Center nitong September 12, Huwebes..

Continue reading below ↓

Hindi raw niya gustong makalimutan na ng tao ang programang naging pasaporte kung ano siya ngayon, pero gusto rin niyang magmarka ang iba pa niyang programa tulad ng TBATS.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ang The Boobay and Tekla Show, talagang umaariba siya, okay.”

Kambiyo niya, “Pero siyempre, hindi mapapantayan yung sa Wowowin.

"Monster hit talaga yung Wowowin. Talagang yun ang nagpako sa akin."

Hindi pa masabi ni Super Tekla na okay na sila ni Willie.

Ilang beses na raw siyang nag-attempt na kausapin ito, pero hindi natutuloy.

“Inaano ko kung in what way ko... well, si Kuya, may nagsabi sa akin na ang dali lang naman niya anuhin, pero ang hirap niyang tiyempuhan.

"Siguro, naghihintay lang din ako.”

Ang TBATS ay nagagawang talunin ang ratings ng katapat nilang programa, ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Sabi ni Super Tekla, “Hindi naman sa pagmamayabang or what, talagang ratings ang labanan. Ratings talaga ang labanan.

Continue reading below ↓

“Nagulat kami kasi kahit ano talaga ang itapat, kahit baguhan, talagang lumalaban yung TBATS.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla on his attempts to talk to Willie Revillame: “Inaano ko kung in what way ko... well, si Kuya, may nagsabi sa akin na ang dali lang naman niya anuhin, pero ang hirap niyang tiyempuhan. Siguro, naghihintay lang din ako.”
PHOTO/S: Rose Garcia / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results