K Brosas cries foul over below-the-belt bashing by dissatisfied TNT viewers

by Bernie V. Franco
Sep 13, 2019
Singer-comedienne K Brosas (left) cries foul over continuous bashing and threats from netizens because of the low score of Tawag ng Tanghalan contestant Mariane Osabel last September 11, Wednesday.
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram / ABS-CBN Entertainment YouTube

Sunud-sunod ang tweets ni K Brosas dahil sa matinding pamba-bash at death threats na natatanggap niya mula sa netizens.

Ito ay kaugnay ng pagkadismaya ng netizens sa resulta ng scoring ng Ultimate Resbak contestant ng "Tawag Ng Tanghalan" sa It’s Showtime noong September 11, Miyerkules.

Hindi matanggap ng netizens ang 16.50 percent score ni Mariane Osabel ng Mindanao mula sa mga hurado.

Natalo si Mariane ng kapwa niya Ultimate Resbak contestant na si Mariko Ledesma.

Dahil sa mababang score, katakut-takot na batikos ang natanggap ng panel ng hurado noong araw na iyon—sina Louie Ocampo, Dulce, Karylle, Jaya, at K.

Una nang nag-tweet si K noong Miyerkules, subalit pagkalipas ng dalawang araw ay hindi pa rin humuhupa ang galit ng netizens.

Maging si Vice Ganda ay nag-tweet na nitong Huwebes, September 12, at sinabing maglalabas ng pahayag ang mga umupong hurado noong Miyerkules.

Nitong Huwebes, September 12, muling nag-tweet si K dahil sa matinding pambabatikos na natatanggap niya at idinamay pa raw pati ang kanyang anak.

Continue reading below ↓

Nagde-demand ang netizens na ipakita ang individual scores ng mga hurado.

Sa unang tweet ni K, inalmahan niya kung bakit siya lang ang pinag-iinitan ng netizens kahit lima silang umupong hurado noong Miyerkules.

“Before I sleep..to all the bashers, happy po? Nakadagdag po ba yan SA ikasasaya NG life at SA mga 'pangarap' nyo?

"Saya siguro NG pambaba bash no? Kahit wala kayong alam.

"Ako lang talaga super tag at bash nyo kc ako Lang sumagot na MAAYOS naman.

"Still bash pa more! Eh Di kayo na”

Continue reading below ↓

Sa kanyang second tweet, sinabi ni K na maraming below-na-belt na tira sa kanya at nakiusap na hintayin ang statement na ilalabas ni Louie, ang punong hurado sa araw na iyon.

Inalmahan din ni K ang pagmumura at masasakit na salitang ibinato sa mga seasoned artists na sina Louie at Dulce.

Continue reading below ↓

Sinagot din ng singer-comedienne ang isang netizen na idinamay pati ang kanyang anak, kahit wala raw itong kinalaman sa isyu.

Continue reading below ↓

Sa panghuling tweet ni K, binalaan niya ang kanyang mga basher, pati na trolls na patuloy ang pambabatikos sa kanya.

Continue reading below ↓

“Ok, super last na to .. bash nyo man ako NG bongga kahit wala na sa issue.. ok.. pero May thin line.. lahat kayo knows ko na.. mapa Troll or even naka public At May followers.. Ingat Ingat din po.. wag nyong idamay ang dapat hindi idamay.. kc pakingsyet! Gudluk! Nyt!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne K Brosas (left) cries foul over continuous bashing and threats from netizens because of the low score of Tawag ng Tanghalan contestant Mariane Osabel last September 11, Wednesday.
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram / ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results