Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Super Tekla finally set the record straight about his sexual orientation

by Rose Garcia
Sep 13, 2019
Super Tekla on his launching movie, Kiko En Lala: "Kumbaga, lahat naman, nagta-try. Kaya nga may trial and error. Malay mo, who knows, biglang mag-click. Ganun lang naman yun."
PHOTO/S: Rose Garcia

Nakikiusap si Super Tekla sa lahat na panoorion ang launching movie niyang Kiko en Lala, kung saan dual role siya.

“Nangangatog na ako!” natawang pag-amin ni Super Tekla nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon niya nitong Huwebes, September 12.

“Hindi ko ma-explain ang... kinakabahan ako na ewan.

“Sino ba naman ang hindi naghahangad na kumita yung pelikula?

"We’re aiming talaga. Kaya nga pinag-uusapan yun bago i-produce."

Naniniwala si Super Tekla—o Romeo Librada—sa totoong buhay na tamang panahon lang din na ilunsad siya sa pelikula.

Aniya, “Kumbaga, lahat naman, nagta-try. Kaya nga may trial and error.

"Malay mo, who knows, biglang mag-click. Ganun lang naman yun."

IS HE GAY OR STRAIGHT?

Sa Kiko En Lala ay dual ang role niya, yung isa ay bading at isa ay bilang isang lalaki.

Ang mga manonood, lalo na yung hindi talaga siya kilala, ang pagkakakilala kay Super Tekla ay bading siya.

Continue reading below ↓

Pangarap ba niya na, isang araw, bilang lalaki na siya lalabas sa telebisyon at hindi nakadamit-pambabae?

“Nagawa ko yun sa Magpakailanman,” saad niya.

“Marami rin akong naganapan na straight, formal.

"Sabi ko, effective pala. Dun lumabas yung acting ko. Ang bilis kong umiyak.”

Nako-confuse pa rin ang mga tao kung sa tunay na buhay ay totoong lalaki siya o bading.

Siya ba, nako-confuse?

“Hindi po, e, sanay na po ako,” sabi ni Super Tekla.

“Alam ko po, kilala ko ang sarili ko at alam ko ang sexual preference ko.

"Lalaki po talaga ako."

Malaki na ang nabago sa buhay niya.

“Opo. Pero yung mukha ko po talaga, ayaw kong ipabago.

"Ito, namana ko sa aking mentor, of course, the late Chokoleit.

"Ang dami kong natutunan sa kanya.”

CHOKOLEIT, SUPER TEKLA'S MENTOR

Limang taon siyang nagtrabaho bilang sidekick ni Chokoleit noong nag-uumpisa pa lang siya sa mga comedy bar.

“Sa kanya ako nahubog. Nag-a-apply ako sa isang bar, siyempre si Chokoleit, siya ang Reyna. Sabi ko, 'Ang pangit naman ng Reyna!'” biro pa niya.

Continue reading below ↓

Nagkatampuhan din sila ni Chokoleit, pero sinigurado ni Super Tekla na bago ito mamatay ay maayos na sila.

Ayon pa kay Super Tekla, “Ang dami kong natutunan sa kanya.

"The way yung format ng comedy, yung timing, yung bitaw.

"Kapag alam niyang mali ang bitaw, mapapahiya ka talaga sa stage, iiyak ka talaga.

“Pero hindi ko tineyk yun na ano... para matuto ako.”

Natuto rin si Super Tekla sa nangyari kay Chokoleit kaya sinisigurado nitong naiingatan niya ang kanyang kalusugan.

“Wala akong ibang vitamins kung hindi pahinga,” sabi niya.

“As long as may pagkakataon kang sumandal, you have to.

"Power nap, kasi health ang puhunan.

"Paano mo maigagapang yung, halimbawa, taping na mahahabang puyatan?”

Ang Kiko En Lala mula sa Backyard Films ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa September 25.

Kasama rito ni Super Tekla sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Jo Berry, at Ai-Ai delas Alas.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla on his launching movie, Kiko En Lala: "Kumbaga, lahat naman, nagta-try. Kaya nga may trial and error. Malay mo, who knows, biglang mag-click. Ganun lang naman yun."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results