Julie Anne San Jose downplays love team with Rayver Cruz

by Rose Garcia
Sep 13, 2019
Julie Anne San Jose on love team with Rayver Cruz: "Wala po akong dapat ahasin dahil wala naman pong dapat ahasin.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagsimula sa Studio 7 ang tambalan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Marami ang nagkakagusto tuwing may production number silang magkasama.

Ngayon, silang dalawa na ang hosts ng second season ng singing search ng GMA-7 na The Clash.

Ayon kay Julie Anne, “May JulieVer tandem po kasi sa Studio 7.

"I guess, nagsimula po nang makita nilang nag-click, nagkaroon po ng ibang opportunities, so ibinigay po sa amin yung The Clash.

Masaya ang Asia’s Pop Diva na nabuo ang tambalan nila ni Rayver.

Aniya, “Hindi po mahirap katrabaho si Rayver. Sobrang gaan niyang katrabaho.

"And one of the factors po talaga na kailangan sa isang show, magkaroon ka ng chemistry sa katrabaho mo.”

Sa totoong buhay ay open na sina Rayver at Janine Gutierrez sa kanilang relasyon, pero hindi ito naging hadlang para makabuo ng following sina Julie Anne at Rayver.

Sa social media ay maraming tagahanga na nagpu-push na sa tandem nila.

Continue reading below ↓

Saad ni Julie Anne, “Kami pong dalawa ni Rayver, we’re really good friends.

"And si Janine din po, we’re really good friends.

“I just don’t want people to think na, 'O, may show yung dalawa, o, bibigyan na naman ng project.'”

Natawa na lang si Julie Anne nang sabihin ditong wala sa imahe niya ang mang-ahas.

“Hindi po ako ganun!” natawang sabi niya.

“Hindi po ako pinalaki ng mga magulang ko na ganun.

"Wala po akong dapat ahasin dahil wala naman pong dapat ahasin.”

Dugtong niya, “Siyempre, thankful po kami ni Rayver na may nagsu-support sa amin individually and as a love team.”

Hindi naman sila nagka-clash ni Janine?

“Ay! Hindi po,” tanggi niya.

“Usually po, kapag mga tapings, nakikita ko rin naman po si Janine. Bumibisita rin po siya sa set.”

Continue reading below ↓

IS JULIE ANNE READY FOR A NEW RELATIONSHIP?

Mag-iisang taon na mula nang mag-break sila ng dating boyfriend na si Benjamin Alves.

Si Benjamin ay very open na sa publiko ang bagong karelasyon.

Handa na rin ba si Julie Anne na magkaroon ng love life?

“Yeah, I believe so,” nakangiti niyang sabi.

Yung naunahan na siyang mag-move on o magkaroon ng bagong karelasyon?

“Wala naman po sa akin yun,” sabi niya.

“Wala naman po sa akin ang paunahan. Ang focus ko lang po ngayon ay ang sarili ko.

"If they’re happy...”

Masaya rin daw siya.

“I’m happy, I’m happy not because I have to be with someone or not or I have to be in a relationship.

"But, you know, I’m happy. I’m a happy girl.

“I have my friends, my family and I have God.”

Wala raw siyang oras para makapag-date, pero may mga pagkakataong lumalabas siya kasama ang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

“I’ve been hanging out with friends, a group of friends,” lahad niya.

Kung sakali, okay pa rin siya na taga-showbiz o hindi na ang susunod na boyfriend?

“For me, it doesn’t really matter, e. But again, I’m not really looking.

"Kasi, kapag ibinigay sa ‘yo ni Lord yun, sa ‘yo yun.”

Natawa si Julie Anne nang tanungin kung wala pa ba siyang napipili sa mga nagpaparamdam sa kanyang lalaki.

“May nagpaparamdam,” pag-amin niya.

“But I just want to focus muna sa sarili ko.

"Importante kasi na kapag nasa relationship pa, buo ka.

"Ang hirap kasi na may ka-relationship ka, pero hindi ka whole.”

Hindi pa ba siya buo?

“Buo... buo na,” saad niya.

“But I just want to work on myself. Basta, marami pa po akong gustong trabahuhin sa sarili ko.

Continue reading below ↓

"Yun po muna talaga ang goal ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on love team with Rayver Cruz: "Wala po akong dapat ahasin dahil wala naman pong dapat ahasin.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results