John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted separately in Cebu

by Arniel C. Serato
Sep 13, 2019
Amid their breakup rumor, Ellen Adarna and John Lloyd Cruz seem to be enjoying their time away from each other. The rumored ex-couple were spotted separately in different occasions.
PHOTO/S: Courtesy: @maryletim / @sephaguilar on Instagram

Mukhang balik sa pagka-buhay binata si John Lloyd Cruz habang nagliliwaliw sa iba’t ibang bayan sa Cebu.

Kasama ang ilang mga kaibigan, sinubukan ni John Lloyd ang iba’t ibang adventures sa isang resort sa nasabing probinsiya.

Kapansin-pansin ding nagpa-trim na ang semi-retired actor ng kanyang buhok at balbas, kaya mas umaliwalas na ang mukha nito.

Huwebes ng gabi, September 12, nag-upload ang isang kaibigan ni John Lloyd sa Instagram ng larawan nila, kasama ang ilan pang kaibigan, habang nagkakasiyahan sa isang bar sa may F. Ramos St., Cebu City.

Nakalagay sa caption: “Enjoying Cebu's best beefsteak.”

Continue reading below ↓

ELLEN ADARNA ATTENDS REUNION WITH FRIENDS

Si Ellen naman ay tila abala sa pagdalo sa public functions.

Katulad na lamang nito ring Huwebes, September 12, kung saan dumalo siya sa isang pagtitipon kasama ang ilang mga kaibigan sa Cebu.

Post ng isa sa mga nasa event na si Lee Andalajao, “Meeting my colleague when I was still an actor back then. Actress Ellen Adarna in the house. #grateful#EllenAdarna.”

Continue reading below ↓

Kita sa aura ni Ellen na payat na ito at handa na kung sakaling naisin nitong magbalik-showbiz.

Hunyo 2019 ay lumabas ang balitang nagkahiwalay na sina Ellen at John Lloyd.

Ayon sa source ng PEP.ph, “co-parenting” na lamang ang status nila para sa anak na si Elias Modesto.

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid their breakup rumor, Ellen Adarna and John Lloyd Cruz seem to be enjoying their time away from each other. The rumored ex-couple were spotted separately in different occasions.
PHOTO/S: Courtesy: @maryletim / @sephaguilar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results