Claudine Barretto prefers taking care of new baby over having a new boyfriend

by Melba R. Llanera
Sep 13, 2019
Claudine Barretto on reunion movie with Milan leading man Piolo Pascual: “Nag-pack na ako ng mga gamit para anytime. Estatic in this work. With everything that is happening now, with the right movie na gusto ko talagang gawin, I'm really happy."
PHOTO/S: Mark Atienza

Nag-post si Claudine Barretto sa Instagram kamakailan ng bagong dagdag sa pamilya nila—si Baby Noah Joaquin.

Biro ng aktres, mas maganda pang mag-alaga na lang siya ng mga bata kaysa makipagrelasyon.

“Sobrang happy. Actually, six months na siya, magse-seven months. Sobrang in love kaming lahat.

“Mahirap? Ang sarap, e, gusto ko talaga yun, e.

"Wag na muna boyfriend-boyfriend, anak na lang, di ba?"

Matagal nang hiwalay si Claudine sa asawa niyang si Raymart Santiago.

Continue reading below ↓

Marami naman ang natutuwa sa pagkakabati at closeness nila ng nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto.

Masaya si Claudine na marami ang nakikita at nababasa niyang masaya sa pag-aayos nila ng kanyang Ate Gretchen.

Kuwento ng aktres, “Nasa China siya ngayon, madaming work.

"Sobrang happy, happy din ako na ang gaganda ng mga feedback.

"Parang ang daming nag-pray na maging okay kami."

Dagdag niya, “Yeah, mas close. Ngayon talaga, mas nagkakakilala kami."

Nang hingan naman namin si Claudine ng reaksiyon sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng pamangkin na si Julia Barretto, umiwas ang aktres.

“No comment."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Claudine sa Sine Sandaan event nitong Setyembre 12, Huwebes, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

REUNION MOVIE WITH PIOLO PASCUAL

Pinaghahandaan na ni Claudine ang balik-tambalan nila ni Piolo Pascual sa pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

“Nag-pack na ako ng mga gamit para anytime. Estatic in this work,” excited na sambit ni Claudine.

Continue reading below ↓

“With everything that is happening now, with the right movie na gusto ko talagang gawin, I'm really happy."

Panay-panay ang papuri ni Claudine kay Piolo.

“He is getting better and better by the day, he is getting better and better as an actor, as a singer.

“He never stops growing, that's one thing I really like about Piolo,” saad ng aktres.

Excited din si Claudine na si Cathy Garcia-Molina ang direktor nila.

Si Direk Cathy ang nagdirek ng Hello, Love, Goodbye at The Hows of Us, ang dalawang highest-grossing Pinoy films (hindi adjusted sa inflation).

“She has been my AD [assistant director] for so long, alam ko naman talaga na magiging direktor siya balang-araw and heto na yun.

“She's one of the best talaga, talagang excited ako na makatrabaho si Direk Cathy."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on reunion movie with Milan leading man Piolo Pascual: “Nag-pack na ako ng mga gamit para anytime. Estatic in this work. With everything that is happening now, with the right movie na gusto ko talagang gawin, I'm really happy."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results