Kylie Verzosa speaks up about spitting issue with Maxine Medina

by Bernie V. Franco
Sep 14, 2019
Kylie Verzosa (left) admits spitting on Maxine Medina (right) in one of their confrontation scenes in the ABS-CBN afternoon teleserye Los Bastardos. However, Kylie clarifies that she apologized to Maxine right after the scene.
PHOTO/S: @kylieverzosa and @maxine_medina on Instagram

Inamin ni Kylie Verzosa na naduraan niya ang co-star na si Maxine Medina sa isa nilang eksena sa ABS-CBN afternoon teleseryeng Los Bastardos.

Pero paglilinaw ni Kylie, nag-sorry siya kay Maxine matapos ang eksena.

“There was an apology that happened on set,” paglilinaw ng Miss International 2016 sa panayam ng ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual nitong Biyernes, September 13.

Dugtong ni Kylie, “Right after, we talked with Max and everything is okay already.

"Pareho kaming okay.

“Nag-taping na kami, gumawa pa kami ng ang dami-daming eksena.”

Taliwas ito sa sinabi ni Maxine na hindi raw nag-sorry si Kylie, bilang komento sa blind item ng pinsang niyang si Dianne Medina tungkol sa isang artistang dinuraan ang co-star kahit hindi kasama sa script.

Na-carried away raw si Kylie sa eksena kaya niya naduraan si Maxine.

Saad niya, “Especially now, last two weeks na lang, emotions are so high, scenes are so intense.

Continue reading below ↓

“Kontrabida pa ako, so minsan nadadala talaga sa eksena. You can' help it.

“Minsan may extra slap, sampal, nasasaktan talaga.”

THE BLIND ITEM

Nagsimula ang isyung ito nang mag-post ng blind item si Dianne Medina noong September 10, Martes, tungkol sa isang artistang nandura ng kapwa artista kahit wala naman ito sa script.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon kay Dianne, ang dinuraang artista ay kamag-anak niya.

Sa comments section ay ilang netizens ang nagbanggit ng mga pangalan nina Kylie Verzosa at Maxine Medina, na siya umanong tinutukoy sa blind item ni Dianne.

Bukod sa Los Bastardos, magka-batch sa Binibining Pilipinas sina Kylie at Maxine noong 2016.

Si Maxine ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2016, habang si Kylie naman ang hinirang na Bb. Pilipinas-International 2016.

Si Maxine ay nakaabot sa Top 6 ng Miss Universe 2016 na ginanap dito sa Pilipinas, samantalang si Kylie ang itinanghal na Miss International 2016 sa Japan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa (left) admits spitting on Maxine Medina (right) in one of their confrontation scenes in the ABS-CBN afternoon teleserye Los Bastardos. However, Kylie clarifies that she apologized to Maxine right after the scene.
PHOTO/S: @kylieverzosa and @maxine_medina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results