Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Joshua Garcia, Julia Barretto, Bea Alonzo, Gerald Anderson at ABS-CBN Ball 2019

by Jet Hitosis
Sep 15, 2019
Former real-life partners (from left) Joshua Garcia, Julia Barretto, and Gerald Anderson, Bea Alonzo attend the ABS CBN Ball 2019 on Saturday, September 14, held at Shangri-La at The Fort in Taguig City. Joshua, Julia and Bea arrived solo, while Gerald came with friends.
PHOTO/S: Mark Atienza

“Respetuhin natin yung desisyon ng lahat na magsolo.”

Pinanindigan ni Joshua Garcia ang sinabi niyang ito nitong nakaraang Huwebes, September 12, nang ihayag niyang wala siyang date sa ABS-CBN Ball 2019 ngayong Sabado ng gabi, September 14.

Kanina, mag-isang rumampa ang 21-anyos na aktor sa red carpet ng taunang ball, na ginanap sa Shangri-La The Fort sa Taguig City.

Gaya niya, solo ring dumating sa event ang kanyang ex-girlfriend—at date niya sa ball noong nakaraang taon—na si Julia Barretto.

Maraming fans ng dating JoshLia ang nag-abang sa pagdalo ng dating magkasintahan sa event, halos tatlong buwan makaraan nilang kumpirmahin ang kanilang hiwalayan.

Nag-trending pa sa Twitter ngayong araw ang #BinibiningJuliaBraveretto para himukin ng fans ang 22-anyos na aktres na dumalo sa ball.

JULIA NOT QUITE PREPARED FOR THE BALL

Sa nakalipas na mga araw, walang direktang kumpirmasyon kung dadalo sa ball si Julia, kasunod ng pagkakadawit niya sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo nitong nakaraang July.

Continue reading below ↓

Sa panayam sa kanya sa red carpet, kinumpirma ni Julia na hindi niya masyadong napaghandaan ang ABS-CBN Ball ngayong taon.

“Hindi nakapag-prepare masyado sa ball,” ani Julia, at idinagdag na busy siya sa nalalapit na paglipat niya sa sariling bahay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"RECOVERING" BEA FEELS “GREAT”

Gaya nina Joshua at Julia, nag-iisa ring dumating sa ball si Bea.

Kinumusta ng red carpet host na si Raymond Gutierrez ang “one day at a time” ng aktres ngayong Sabado.

Sagot ni Bea, “I’m recovering, I’m actually great.”

GERALD ARRIVES WITH ‘FELLOW SOLDIERS’

Hindi naman nagsolo si Gerald, dahil dumating siyang kasama ang co-stars niya sa ipalalabas na teleseryeng A Soldier’s Heart.

Kasama ni Gerald sa red carpet sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas, at Yves Flores. Pawang Philippine Army reservists ang apat na aktor.

Masasabing pinakaaabangan sina Joshua, Julia, Bea, at Gerald sa lahat ng ball attendees ngayong taon dahil na rin sa pag-uugnay sa magkasunod na hiwalayan ng dalawang pareha.

Continue reading below ↓

Bagamat una nang itinanggi nina Joshua at Julia na may kinalaman si Gerald sa hiwalayan nila, muling naungkat ang intriga sa pagitan ng magkatambal sa pelikulang Between Maybes kasunod ng mga posts ni Bea kaugnay ng breakup kay Gerald.

Magkasunod nang pinabulaanan nina Gerald at Julia na ang huli ang third party sa pakikipaghiwalay ng aktor kay Bea.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former real-life partners (from left) Joshua Garcia, Julia Barretto, and Gerald Anderson, Bea Alonzo attend the ABS CBN Ball 2019 on Saturday, September 14, held at Shangri-La at The Fort in Taguig City. Joshua, Julia and Bea arrived solo, while Gerald came with friends.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results