Alden Richards willing to be directed by John Lloyd Cruz

by Melba R. Llanera
Sep 14, 2019
Alden Richards on possibility of being directed by his idol/mentor John Lloyd Cruz: “John Lloyd Cruz is my hero pagdating sa acting. He inspired me to be a good actor. I consider him my mentor, my senior, kuya."
PHOTO/S: Mark Atienza

Handa raw si Alden Richards na maidirek ni John Lloyd Cruz sa pelikula.

Si John Lloyd ang nagdirek ng music video ng "Saturnine Nevermore" ng Sugar Hiccup.

“It would be an honor to be directed by your idol,” sambit ni Alden nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sine Sandaan nitong nakaraang Huwebes, Setyembre 12, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

“John Lloyd Cruz is my hero pagdating sa acting. He inspired me to be a good actor.

“Eventually, pagpasok ko sa showbiz, we became friends.

"Marami siyang ibinigay sa aking advice and isa siya sa una kong sinabihan when I got the part in Hello, Love, Goodbye.

“He just told me, ‘As long as you're happy with your decision, okay yan.’

“I consider him my mentor, my senior, kuya."

Ano ang mensahe niya para sa kanyang idolo?

“Salamat sa inspirasyon. Sana, magkatrabaho tayo.

"Kung anuman ang ginagawa mo ngayon, sana masaya ka rin," pahayag ni Alden.

Continue reading below ↓

RECORD-BREAKING FILM

Nasa cloud nine pa rin si Alden dahil sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye na ngayon ay may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film of all time.

Pag-amin niya, “We owe it to the audience, we owe it to the moviegoers na talagang tumangkilik sa Hello, Love, Goodbye.

"If not for them, it won't be a success like that.

“Of course, I'm very thankful to Star Cinema for considering me to be part of the film. It's actually the best decision I made this year.”

Gaya ng clamor ng maraming fans, gusto rin ni Alden na magkaroon ng sequel ang pelikula nila ni Kathryn Beranrdo.

Asam niya, “Sana magkaroon, pero as of now, wala pang meeting with regards sa part 2.

"We are just celebrating the success of the movie at the moment and we are really happy with the turnout. Update namin kayo pag siguradong may part 2 na!”

Continue reading below ↓

FILM ICON

Proud na proud si Alden na isa siya sa luminaries na pinarangalan ng FDCP sa gabi ng Sine Sandaan.

Aniya, “Naku, minsan, talagang nao-overwhelm ako na pagpasok ko sa loob.

"I learned about the invitation two weeks ago lang. Hindi ko naisip I will be part of this event.

“Sobrang happy, sobrang honored.

"Ang sarap lang mapabilang sa mga tinitingala kong mga artista sa pelikula!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on possibility of being directed by his idol/mentor John Lloyd Cruz: “John Lloyd Cruz is my hero pagdating sa acting. He inspired me to be a good actor. I consider him my mentor, my senior, kuya."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results