Bea Alonzo says walking alone at ABS-CBN Ball 2019 red carpet is “empowering”

by Jet Hitosis
Sep 14, 2019
Actress Bea Alonzo says it feels "empowering" and "liberating" to walk the ABS-CBN Ball 2019 red carpet alone.
PHOTO/S: Mark Atienza

Para sa aktres na si Bea Alonzo, “empowering” ang pagrampa niyang mag-isa sa ABS-CBN Ball 2019 red carpet.

Ito rin ang unang beses na wala siyang kasamang date sa nakalipas na sampung taon.

Magiliw na kinausap ng 31-year-old actress ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na nag-abang sa pagdating niya sa taunang event, na idinaos sa Shangri-La sa The Fort, Taguig City, nitong Sabado ng gabi, September 14.

Unang inusisa kay Bea ang suot niyang black Spanish Senorita-inspired gown na gawa ni Jun Escario at disenyo ni Pam Quinones.

Kasunod nito, kinumusta ang aktres tungkol sa mag-isa niyang pagrampa sa red carpet ng ball.

Sagot ni Bea, “I just realized it’s my first time to actually walk on the red carpet alone after ten years.

“So it feels great naman.”

Dagdag pa ni Bea, “It’s actually empowering, it’s liberating, and I’m enjoying it.”

Continue reading below ↓

Bago pa nakausap ang nagkumpulang reporters, ang red carpet host na si Raymond Gutierrez ang unang nangumusta kay Bea.

“I’m recovering. I’m actually great,” sagot ng dalaga.

Tapos na ang interview nang nagpahabol ng komento si Raymond sa nakatalikod nang si Bea.

Hirit ni Raymond, “Single looks good on you.”

Lumingon at ngumiti lang si Bea, na napagitna kamakailan sa intriga kasunod ng kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Gerald Anderson nitong July ngayong taon.

Sa nakalipas na tatlong taon, o mula 2016 hanggang 2018, kasama ni Bea si Gerald sa red carpet ng taunang ball na dating kilala bilang Star Magic Ball.

Bago si Gerald, ang dating nobyo at kapwa Kapamilya artist na si Zanjoe Marudo ang naging date ni Bea sa Star Magic Ball mula 2010 hanggang 2015.

Napabalita pa nga noong 2010 na bagamat magkasamang dumating sa ball sina Bea at Zanjoe, ay nakita ng ilang onlookers na magkasamang umalis ng ballroom sina Bea at Gerald, na noon ay date ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Continue reading below ↓

Samantala, kung solong dumating si Bea sa ball ngayong taon, kasama naman ni Gerald ang mga co-stars niya sa ipapalabas na teleseryeng A Soldier’s Heart na sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas, at Yves Flores.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo says it feels "empowering" and "liberating" to walk the ABS-CBN Ball 2019 red carpet alone.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results