Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin skips ABS-CBN Ball 2019; donates cash to Bantay Bata

by Jet Hitosis
Sep 15, 2019
Angel Locsin skips ABS-CBN Ball 2019, but gives Bantay Bata "the amount that I’m supposed to spend" for her gown, shoes, hair, and make-up.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Pinili ni Angel Locsin na hindi dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 nitong Sabado, September 14.

Sa halip, direktang nag-donate ito sa Bantay Bata 163 ng pera na dapat sana ay gagastusin niya para sa event.

Ang education program ng Bantay Bata 163 ng ABS-CBN Foundation ang beneficiary ng lahat ng pondong malilikom sa ikalawang ABS-CBN Ball, na ginanap sa Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City.

Sa Instagram post ni Angel ilang oras pagkatapos magsimula ang red-carpet event ng ball, pinuri ng 34-anyos na aktres ang kanyang mga kaibigang nakibahagi sa event “to promote awareness on children’s rights."

Ang caption ni Angel ay, “I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves.”

Ang lahat ng dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 ay nag-pledge ng donasyon sa Bantay Bata 163.

Continue reading below ↓

ANGEL DONATES DIRECTLY TO BANTAY BATA

Kasabay nito, ipinaliwanag ng bida ng teleseryeng The General’s Daughter na pinili niyang direktang i-donate sa foundation ang perang gagastusin sana niya sa ball.

“As for me, I decided to do my share in a way that I could probably be more of use.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball,” ani Angel.

Dagdag niya, “It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life.”

Nanawagan din ang aktres sa publiko na tulad niya ay mag-donate rin sa Bantay Bata 163.

“For those who would like to help a child to have a bright future, please donate to Bantay Bata 163. #abscbnball2019”

FANS ASK ANGEL

Bago pa nag-post si Angel, ilang followers nito ang nagtanong kung bakit hindi siya naka-attend sa ABS-CBN Ball 2019.

Continue reading below ↓

Inaasahan pa naman ng mga fans ng aktres na sa unang pagkakataon ay isasama ni Angel sa red carpet ang fiancé niyang film producer na si Neil Arce.

Bagamat dumalo sa unang ABS-CBN Ball si Angel noong nakaraang taon, mag-isa siyang rumampa sa red carpet kahit pa kasama niya noon si Neil.

Isang follower ng aktres ang naghimutok ng, “Wala bang willing mag-support or mag-sponsor ng damit mo?”

Sa maikling sagot, sinabi ni Angel ang halagang nai-donate niya: “P200k total :)”

Continue reading below ↓

Isa pang follower ng aktres ang hindi pumabor sa naging desisyon ni Angel (published as is):

“Minsan lang yun sa bawat taon even bosses ng abs-cbn nandun because its not just about the bantay bata but also a celebration of 65 years of Abs-cbn.

“You can share any amount if you want kahit di sa araw ng ball.

“You can make a difference in any way you could.

“Whatever is your intention i just dont get it. And im truly sorry for that.

“Anyways its your decision so may magagawa ba kaming fans mo? wala naman as always.”

Sinagot siya ni Angel ng, “yes. Eto yung gusto ko. Salamat.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin skips ABS-CBN Ball 2019, but gives Bantay Bata "the amount that I’m supposed to spend" for her gown, shoes, hair, and make-up.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results