Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mother Ricky Reyes reiterates stand on SOGIE Bill

by Julie E. Bonifacio
Sep 15, 2019
Mother Ricky Reyes: "Yun lang naman ang gusto ko sa mga kabadingan—yung igalang kami ng tao. Ayokong para kaming public amusement ng mga tao. Ayoko nung pinagtatawanan kami ng mga tao."
PHOTO/S: Julie E. Bonifacio

Nag-trending sa social media at na-headline sa diyaryo ang gay icon at hair salon entrepreneur na si Ricky Reyes dahil sa kanyang mga pahayag tungkol sa Lesbian, Gay, Bisexual Transsexual (LGBT) community.

Ayon kay Mother Ricky, dapat matutong lumugar ang mga miyembro ng LGBT. Nagsalita rin siya tungkol sa isyu ng pagkakaroon ng hiwalay na comfort room para sa mga trans people.

Magkahalo ang naging reaksiyon ng publiko sa mga pahayag ni Mother Ricky—may mga sumang-ayon at mayroon ding tumuligsa.

Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mother Ricky noong Setyembre 12, Huwebes, sa Ricky Reyes Hair & Beauty clinic sa Aurora Blvd., Quezon City.

Dito ay tinanong namin siya sa reaksiyon ng publiko sa mga naging pahayag niya.

“A, nakakatuwa na yung madlang tao, eto yung gusto nilang sabihin...

"Eto yung gusto nilang iparating sa grupo ng LGBT na, 'Kailangan, pormal kami. Hindi kami pakalat-kalat sa kalye, na magbebestida ka pa.'

Continue reading below ↓

"E, talagang pagtatawanan ka,” panimula niya.

Kilala si Ricky sa showbiz at sa kanyang mga empleyado bilang ‘Mother Ricky.’

Saad pa niya, “I don’t have anything against LGBT.

"Bakla rin ako, e. Numero uno akong bakla.

"Nagbestida rin ako, ‘no?!"

Katunayan, kinuha ni Mother Ricky ang nakatago niyang larawan sa wallet at ipinakita sa amin ang kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng spaghetti dress na may malalim na cleavage.

Continue reading below ↓

“Pero dumating yung punto na tumigil ako sa pagbebestida dahil inisip ko naman yung career ko na, sabi ko, kailangan kong ayusin ang buhay ko.

"Dahil wala namang mag-aayos ng buhay ko kundi ako rin.

“Dahil natatakot ako na... sabi ko nga, lagi kong sinasabi sa buong Pilipinas, sa lahat ng mga bading, walang pinakakawawang tao sa mundo kundi matandang baklang walang pera.

“So, dapat, bata pa lang, marunong nang magtrabaho nang magtrabaho, mag-ipon nang mag-ipon para pagtanda namin, meron kaming gagastusin sa sarili namin.

“Otherwise, kapag wala kaming ipon, nagmukha kaming ubod ng hirap.

"Ang mangyayari, ang mga bading, katulong ka ng kapatid mo, tagaalaga ka ng mga pamangkin, tagalinis ka ng bahay.

“E, gusto ba namin ‘yan?

“Siyempre, gusto natin, magandang buhay. Gusto natin, maayos.

"Yung, you know, we can do what we want. We can buy what we want.

"Yun lang naman ang gusto ko sa mga kabadingan—yung igalang kami ng tao.

Continue reading below ↓

"Ayokong para kaming public amusement ng mga tao.

“Ayoko nung pinagtatawanan kami ng mga tao.

"Ayokong magmukha kaming monkey in a cage. ‘Hello, hello, hello,’ ginaganyan kami ng mga tao.

“Ayoko ng ganyan. Gusto ko ng paggalang."

Patuloy niya, “Sabi nila, ginagalang ako dahil mayaman ako. Yaman has nothing to do with that, you know.

"Siguro iginagalang ako ng mga tao because of what I have done in my life.

“Yung napakaraming tulong na nagawa sa tao. Simula noong 1984 hanggang ngayon, yung mga livelihood.

"Ang pagtulong sa tao, dapat hindi tumitigil.

“Tumulong lang tayo nang tumulong.”

SOGIE BILL

Dadalo ba siya sakaling ipatawag ng Senado para sa pagdinig ng controversial na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill o Anti-Discrimination Bill?

“A, siguro, oo. Pero parang ano naman,” pagdadalawang-isip ni Mother Ricky.

“Huwag na lang dahil mapapahiya naman ang mga bakla, dahil sasabihin ko naman ang totoo na bakla kami, di ba? Na ang bakla ay bakla. That’s it.

Continue reading below ↓

“Wala nang mangyayari. Maski giliingin mo ‘yan, hamburger nga ang sabi ko, di ba?

“Dahil ang bakla, ‘yan na ‘yan, e. Maski anong gawin mo, ganoon pa rin.

“Ang sabi ko nga, imbes na kami ang maging problema, sana ay maging parte kami ng solusyon, ng ikagaganda ng buhay ng maraming tao.”

Para sa kanya, ang Senado ay dapat magtrabaho para sa kapakanan ng nakakarami at hindi sa kabaklaan.

Sabi ni Mother Ricky, “Pati ba naman pag-ihi ng bakla, dadalhin pa sa Senado? Hello?!

“Ang daming Pilipinong nagugutom. Maraming mga out-of-school youth.

“Maraming young mothers out there na walang pagkaing ibibigay na pagkain sa kanilang anak. Nandiyan pa ang droga, ang korapsyon.

“Siguro, yun ang dapat nilang talakayin. Hindi ang pag-ihi ng bakla sa public toilet.

“Diyos ko! It’s such a... napakaliit na bagay para paglaanan ng pondo ng mga Senador.

"Yung gagastusin diyan, gastusin na lang natin sa mga taong matutulungan natin,” diin pa ni Mother Ricky.

Continue reading below ↓

BAKLANG HAMBURGER

Nag-viral din ang sinabi ni Mother Ricky na, "Ang bakla, gilingin mo man, ang magiging labas noon, baklang hamburger."

Lahad niya, “May nagkuwento nga sa akin, may mga nagtatanong daw sa fastfood chains kung meron silang baklang hamburger. Hahaha!

“Nag-taping ako noong isang araw para sa show ko [The World of Gandang Ricky Reyes], ang sabi ko sa closing, ‘Eto po ang inyong Pambansang Baklang Hamburger!’”

Pati dating members ng LGBT na nagbalik sa nauna nilang gender na sina Fanny Serrano at Anselle Beluso ay umayon sa mga sinabi ni Mother Ricky.

Sabi ni Mother Ricky tungkol dito, “I don’t have a feeling on that, kasi naman yung sinabi ko, lahat naman ng sinabi ko, totoo.

“E, alam din naman nila ang totoo, you know.

"Yun naman ang sinasabi ko, yung ibang nagbibigay ng negative reaction, it is as simple as truth hurts, you know.

“Yung katotohanan, kapag sinasabi sa ‘yo, ang hirap tanggapin, di ba?

Continue reading below ↓

“Pero pag tanggap mo kung ano ikaw, kung ano ang pagkatao mo, everything is easy.

“Sabi nga natin, truth will never be hurting if you know how to accept yourself.

“Kumbaga, ayusin natin ang buhay natin. Huwag nating lagyan ng mga bisyo ng droga, huwag nang gawin ang mga bakla ay prostitutes sa cybersex.

“Puwede ba, igalang naman natin ang mga sarili natin?

"Same thing as before, kung gaano ko kamahal ang mga bakla, pareho lang din iyan.

“Ten years ago, nagsara ang Japan sa gay performers.

"So, nawalan ng trabaho ang mga transgender. Nagbalikan lahat sa Manila, wala na silang trabaho.

“Ang ginawa ko, inipon ko ang mga transgender. Sinabi ko, ‘Halikayo, mga anak. Tigilan ninyo ang cybersex dahil hindi ‘yan kagalang-galang na trabaho. Tuturuan ko kayong maging beauty consultant. Kikita kayo. Dito lang kayo sa shop ko.’

“At ngayon, yung iba, manager ng shop ko. Nakakatuwa. Very, very nice.”

Continue reading below ↓

MOTHER RICKY AS LGBT SPOKESPERSON

May mga nagsasabing naging spokesperson siya ng mga hindi makapaglabas ng kanilang saloobin tungkol sa mga isyu ng LGBT.

“That’s right. Yun yung sinasabi ko," pagsang-ayon ni Mother Ricky.

"Kung babasahin mo lahat ng comments ng mga tao, para tayong tumakbo ng eleksyon na eto ang sabi ng tao, panalo sila. Eto yung gusto nilang makita.

“These are the sentiments na, okay, may mga kaibigan silang mga bading, pero hindi nila masabi ang gusto nilang sabihin, kasi nahihiya sila, baka ma-offend ang mga kaibigan nila.

“Ngayon, agree sila. Ito pala dapat talaga ang tama.

"I mean, sabi ko nga, e, bigyan naman natin ng kahihiyan ang sarili natin, di ba?

"Bakla na nga tayo, paglalaruan pa tayo ng publiko?

“At kapag nangyayari ‘yan, ang unang-unang nasasaktan ay yung nanay at tatay natin.

“Bigyan natin ng dignidad yung ating magulang.

"Binigyan nila tayo ng buhay kaya dapat ipakita natin yung magandang buhay rin ang ibabalik natin, at para igalang tayo ng mga tao.

Continue reading below ↓

"Para matuwa ang mga tao sa ating mga magulang na, ‘Uy, ‘yung anak mo, successful!’

"Yun ang gusto kong marinig. Na pinupuri ang mga magulang dahil sa nangyari sa kabadingan.”

Pati si Presidente Rodrigo Duterte ay nagbago ng pananaw dahil sa mga sinabi ni Mother Ricky.

Reaksiyon niya rito, “Nakakatuwa, siguro kasi nag-change gear ang Presidente.

"Si Presidente naman, ever since love niya ang mga bading.

"He told me that two years ago when we went to Davao for an event in Davao, and Mayor Duterete was our guest of honor.

“Pero di porke love ni President Digong ang mga bakla, mag-o-overboard naman daw sila.

“Kailangang ipakita natin sa kanya na tayo ay worthy of his paghanga, di ba? At ipakita natin, patunayan natin na tayo ay tutulong sa kanya.

“Dahil lahat ng problema sa Pilipinas, hindi naman kaya ng Presidente. Kailangan niya ang mga Pilipino na tumulong din sa kanya.

Continue reading below ↓

“E, ang mga bading pa naman, malalambot ang puso, mabait.

"Sana, yung kalambutan ng puso natin, kabaitan natin, gamitin na lang natin sa pagtulong sa kapwa.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mother Ricky Reyes: "Yun lang naman ang gusto ko sa mga kabadingan—yung igalang kami ng tao. Ayokong para kaming public amusement ng mga tao. Ayoko nung pinagtatawanan kami ng mga tao."
PHOTO/S: Julie E. Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results