Vice Ganda, Anne Curtis laugh off negative comments about their ABS-CBN Ball 2019 gowns

by Arniel C. Serato
Sep 16, 2019
Vice Ganda and Anne Curtis laugh off netizens' reactions about their ABS-CBN Ball 2019 gowns.
PHOTO/S: Mark Atienza

Idinaan na lang sa biro ng It's Showtime hosts ang mga pang-ookray ng ilang bashers sa kanilang mga kasuotan sa ABS-CBN Ball 2019.

Bago magsimula ang segment na "Mr. Q & A" ngayong Lunes, September 16, napagkuwentuhan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis ang katatapos lang na charity event ng Kapamilya network.

Ginanap ang ABS-CBN Ball 2019 sa grand ballroom ng Shangri-La at the Fort, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Sabado ng gabi, September 14.

Ayon kay Vice, ang isinuot niyang gown ay inspired daw sa Manila Carnival Queen noong 1930s.

Continue reading below ↓

Pero tila hindi ito nagustuhan ng ilang bashers at inokray ito.

Sabi ng TV host-comedian tungkol dito, “Yung mga tao, kung anu-ano sinasabi sa mga damit namin.

“'Tapos ang damit ko daw ang laki-laking pambalot ng lumpia.”

Dagdag pa ni Vice, “Anti-dengue ouffit daw yung damit ko. Ang sasama!”

Biro pa niya sa netizens na nang-okray ng suot niya, “Kaya nga hindi na ako a-attend next year, inookray ang mga damit,

“Ang hirap-hirap kaya mag-fitting, mga sira-ulo kayo!

“Ang bigat-bigat nung binibitbit kung gown 'tapos inokray-okray lang.”

ANNE CUTIRS, VHONG NAVARRO, JHONG HILARIO

Ang suot namang gown ni Anne ay inilarawan niya sa kanyang Instagram bilang “Classique meets Modern” na mayroong “oversized sheer butterfly sleeves.”

Pero may ilan ding nang-bash dito.

Continue reading below ↓

Natatawang sabi ni Anne sa mga puna ng netizens, “Ang sa akin daw yung pangkumpisal dahil sa laki [ng mganggas.]”

Ang suot naman ni Vhong, ayon sa kanyang paglalarawan sa Instagram: "Interpretation of Avel Bacudio to the colorful Panagbenga Festival of Baguio City.

"It's a modern Filipiniana Suit that portrays the brilliant and vivid flowers from high parts of Benguet.”

Continue reading below ↓

Pero komento ng netizens sa suot niya, “Ako daw si Jollibee.”

Simple lang din ang paglalarawan ni Jhong sa kanyang suot sa ball: “barong, banig.”

Ngunit natatawa niyang kuwento sa sinabi ng netizens, “Walang pinagkaiba sa pang-gong.”

Ang tinutukoy niya ay ang araw-araw niyang suot na regular barong sa "Tawag ng Tanghalan."

Continue reading below ↓

Ang ABS-CBN Ball 2019 ay naglalayong makalikom ng pondo para sa Bantay Bata 163 para sa progama nitong Bantay Edukasyon Program.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Anne Curtis laugh off netizens' reactions about their ABS-CBN Ball 2019 gowns.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results