Dulce refuses to apologize over Tawag ng Tanghalan controversy

by Bernie V. Franco
Sep 16, 2019
Tawag Ng Tanghalan hurado Dulce speaks up about the controversy involving Ultimate Resbak contestants Mariane Osabel and Mariko Ledesma.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube

“Hindi po ako hihingi ng tawad doon dahil po kinailangan mangyari ang dapat mangyari.”

Ito ay bahagi ng emosyonal na pahayag ng veteran singer na si Dulce kaugnay ng kontrobersiya sa "Tawag Ng Tanghalan" (TNT) Ultimate Resbak round ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Noong September 11, 2019, naging trending topic sa Twitter ang Ultimate Resbak contestant na si Mariane Osabel dahil sa mababang score na nakuha nito mula sa mga hurado.

Hindi matanggap ng netizens ang score na 16.50 percent na ibinigay sa kanya, kumpara sa 50 percent ng nanalong si Mariko Ledesma.

Kahit noong sumunod na araw ay patuloy ang pag-trend ni Marian.

Katakut-takot na pamba-bash, pagmumura, at pagbabanta ang natanggap ng mga hurado noong araw na iyon—sina Louie Ocampo, Dulce, Karylle, K Brosas, at Jaya.

DULCE REFUSES TO APOLOGIZE

Sa episode ng It’s Showtime noong Sabado, September 14, naglabas ng kanyang saloobin si Dulce hinggil sa isyu.

Continue reading below ↓

Bahagi ng kanyang pahayag, bilang dating kampeon ng Tawag ng Tanghalan noong 1975, alam niya ang pakiramdam ng mga kalahok at ang kanilang mga pinagdadaanan.

“Pinagdaanan ko lahat iyan.

“Naging Tawag Ng Tanghalan ako, 1975, kaya alam ko rin ang nararamdaman ng lahat ng nalalaglag, lahat ng nagu-gong, even ngayon...”

Sa kabuuan, sinabi ng veteran singer na hindi siya hihingi ng tawad dahil ginawa lamang nila ang kanilang trabaho.

“Ako na rin mismo ang magsasalita in behalf of the hurados.

“Nasaktan kami sa lahat ng sinasabi against us," emosyonal na pahayag ni Dulce.

Patuloy niya, “Wala naman kaming magagawa, we have to do our job.

“But I just want to assure you, especially Mariane, she is very good.

“She was my favorite, but it so happened that on that day ng labanan, talaga lang meron isang aangat, kasi talaga namang lumaban si Mariko."

May ipinarating ding mensahe si Dulce sa netizens at manonood na hindi natuwa sa kanilang mga hurado.

Continue reading below ↓

“Ngayon pa lang, kung hindi kayo natuwa sa nangyari at kami minumura niyo, in behalf of all the hurados, hindi po ako hihingi ng tawad doon, dahil po kinailangan mangyari ang dapat mangyari.

“Tanggapin natin, magaling kayong lahat,” pagtukoy niya sa contestants.

VICE GANDA DEFENDS THE HURADOS

Sinegundahan naman ni Vice Ganda ang pahayag ni Dulce.

Sabi ng TV host-comedian, hindi lahat ng oras ay magkakaunawaan ang lahat dahil magkakaiba ang mga tao.

“Hindi natin gusto na nadi-disappoint natin ang isa’t isa, pero nangyayari at nangyayari dahil magkakaiba tayo ng opinyon at gusto sa buhay dahil magkakaiba tayong tao.

“We just have to deal with that and we just have to accept that,” ani Vice.

Ngayong Lunes, September 16, sa "TNT" segment ay muling nagbigay ng pahayag si Vice kaugnay pa rin ng kontrobersiya.

Pagtatanggol ng It's Showtime main host, "Hindi ito laban lang ng mga contestants.

Continue reading below ↓

"Kung hindi niyo ho alam talaga, e, tight na ang relationship ng mga hurado at contestants.

"Para na nilang mga anak ito, kaya hindi madali sa kanila na magbigay ng mababang score.

"Hindi madali sa kanilang mamili, hindi madali sa kanilang magpauwi, at hindi madali sa kanilang isa lang ang mananalo at lahat ito ay uuwi.

"Umiiyak din ang mga hurado dahil naging pamilya na rin sila sa kanila, at hindi po madali ang kanilang trabaho."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tawag Ng Tanghalan hurado Dulce speaks up about the controversy involving Ultimate Resbak contestants Mariane Osabel and Mariko Ledesma.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results