Liza Soberano gets "nervous, feels so weird" attending ABS-CBN Ball 2019

by Jet Hitosis Interview by FM Ganal
Sep 16, 2019
Though she's with reel-and-real life partner Enrique Gil, Liza Soberano admits feeling nervous to attend the ABS-CBN Ball 2019 last Saturday, September 14, after taking a break from showbiz for more than two months for a series of finger bone operations in the United States.
PHOTO/S: Mark Atienza

Kabado si Liza Soberano nang dumalo siya sa ASB-CBN Ball 2019.

Ito ang inamin ng aktres sa entertainment reporters na nag-abang sa kanila ni Enrique Gil sa red carpet ng ball, na ginanap sa Shangri-La at The Fort sa Taguig City, nitong Sabado, September 14.

Ayon kay Liza, “it feels so weird” dahil naninibago siya sa pagbabalik-trabaho makalipas ang mahigit dalawang buwan niyang pamamahinga sa showbiz.

Gayunman, sinabi ni Liza na masaya sila ni Enrique na nakadalo sila sa taunang Kapamilya event.

Sagot ni Liza nang kinumusta ng entertainment reporters, “We’re really happy.

“It’s been a long time since we’ve been out, like doing interviews and everything."

LIZA IS NOW BACK TO WORK

Pag-amin ng 21-year-old actress, “We’re excited but also nervous because… it feels so weird, in a way, to be working again like this, after taking a break for so long."

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan naman ni Enrique ang sinabi ng kanyang reel-and-real life partner.

Sabi ni Enrique, “Yeah, couple of months out, to be back and to see old faces and some new faces is exciting."

Kasunod nito, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Liza at Enrique pagkatapos ng mahigit dalawang buwan nilang pananatili sa Amerika.

Matatandaang sumailalim si Liza sa serye ng operasyon sa kanyang kanang hintuturo dahil sa bone infection.

Nadurog ang buto sa nasabing daliri ni Liza matapos siyang maaksidente habang nagte-taping ng ABS-CBN teleseryeng Bagani noong nakaraang taon.

Ang nasabing finger injury ang dahilan kaya binitiwan ni Liza ang lead role sana sa pelikulang Darna.

Sa buong panahon na inoperahan at nagpapagaling sa Amerika si Liza, kasama niya si Enrique, 27 anyos.

“I think we really needed a break,” sagot ni Enrique.

“I think it was a much needed break also, coming from our ends.

Continue reading below ↓

“Kasi we came from Bagani, and the movie, and we’re just working nonstop,” aniya, tinukoy ang huling pelikulang pinagtambalan nila ni Liza, ang Alone/Together noong February 2019.

“Especially her, the things she’s been through,” dagdag ni Enrique. “It’s only needed din talaga.”

LIZA SUFFERED FINGER BONE INFECTION

Mayo ngayong taon nang pumunta sa Los Angeles, California si Liza para operahan sa daliri, pero natuklasang hindi gumagaling at nag-develop pa ng impeksiyon ang nasabing buto niya.

July 6 nang isagawa ang ikaapat at huling operasyon sa daliri ni Liza, at bumalik siya sa Pilipinas noong July 22.

Napaulat na nakatakdang simulan nina Liza at Enrique ngayong Setyembre ang taping ng bagong teleserye na muli nilang pagtatambalan.

CONSTANT BALL DATE

Ang pagdalo sa ABS-CBN Ball nitong Sabado ang unang public appearance ni Liza matapos siyang makabalik sa bansa mula sa Amerika.

Pagkatapos naman ng event, magkahiwalay na nag-post sa Instagram nitong Linggo, September 15, sina Liza at Enrique tungkol sa appreciation nila sa isa’t isa sa muling pagdalo nang magkasama sa ball.

Continue reading below ↓

Tinawag ni Enrique na “My Ride or Ride for Life” si Liza, kasabay ng pagsasabing siya ang “Luckiest Guy Ever” kasama ang aktres.

Sinabi naman ni Liza sa kanyang post na kahit ikaanim na ball na nilang dinaluhan iyon ni Enrique ay “so excited (and nervous)” pa rin siyang rumampa sa red carpet.

Inamin din ng aktres na kinikilig siya sa boyfriend “every time you surprise me with a bouquet of flowers before all chaos.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Though she's with reel-and-real life partner Enrique Gil, Liza Soberano admits feeling nervous to attend the ABS-CBN Ball 2019 last Saturday, September 14, after taking a break from showbiz for more than two months for a series of finger bone operations in the United States.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results