Ronnie Alonte burns basher who doubts his love for Loisa Andalio

by Arniel C. Serato
Sep 16, 2019
Ronnie Alonte defends rumored girlfriend Loisa Andalio against basher on Instagram.
PHOTO/S: Mark Atienza

Hindi pinalampas ni Ronnie Alonte ang komento ng isang basher sa post ng rumored girlfriend nitong si Loisa Andalio sa Instagram ngayong araw, September 16.

Nakalagay sa post ng Kapamilya actress, kalakip ang larawan ni Ronnie na kuha sa ABS-CBN Ball 2019 noong Sabado, September 14: “ang gwapo naman ng mister ko.”

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen na may handlename na @dejavujavu1, “ang tanong, ikaw ba gusto nya maging misis?”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaagad ding sumagot ang Hashtags member sa nasabing basher.

Tugon ni Ronnie, “@dejavujavu1 oo bkit?”

Continue reading below ↓

Sagot naman ng basher, “@iamr2alonte ah ksi me movie kayo o inutusan ka ni loisa.

“mga fans nya screenshot nyo to ha, tignan natin hanggang sa magbreak sila.”

Hindi na sumagot si Ronnie dito.

Marami naman ang humanga sa pag-amin ni Ronnie na gusto niya si Loisa na ang kanyang magiging forever.

Continue reading below ↓

Nakisang-ayon din sila sa “pagsunog” daw ni Ronnie sa basher.

Continue reading below ↓

Kahit wala pa silang tuwirang pag-amin, halata naman sa kilos ng dalawa na may namamagitan na sa kanilang espesyal.

Noong November 2018, tila nag-celebrate pa nga sila ng kanilang second anniversary dahil sa post ni Loisa sa Instagram na "731."

Ito ay tumutukoy sa bilang ng araw sa loob ng dalawang taon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Alonte defends rumored girlfriend Loisa Andalio against basher on Instagram.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results