Kim Molina, Jerald Napoles no sawa factor despite five-year relationship

by Glenn Regondola
Sep 17, 2019
Kim Molina on relationship with boyfriend Jerald Napoles: "Ibang level ang relationship namin. Kasi dati, parang tago kami... Pero na-realize din naman na, what’s wrong with telling it to everybody, and be open about your relationship. And ngayon po, we’re now very open, at wala na kaming itinatago. Sobrang saya!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit halos limang taon na ang relasyon ng Kapamilya actress na si Kim Molina at ng Kapuso actor na si Jerald Napoles, wala raw silang nararamdamang pagkasawa sa isa’t isa, at alam nila kung paano i-maintain ang maayos nilang relasyon.

Magkasama ang dalawa sa launching movie ni Kim na #Jowable.

Pahayag ni Kim, “So far, wala po talagang sawaan.

“Actually, kami rin po, noong isang araw, nag-usap kami ni Je.

“Sabi namin, ‘Ang tagal na natin, ‘no? Ang tagal na rin pala natin, pero bakit ganun, kasi kinikilig-kilig pa rin tayo sa isa’t isa?’

“Kasi ngayon, ibang level ang relationship namin.

“Kasi dati, parang tago kami.

“Hindi naman sa tagung-tago, na we don’t want it to share to anybody, but Jerald kasi is a very private person.

“And ako rin po, I don’t want... kasi, personal life ko po kasi ito.

Continue reading below ↓

“At bago rin po ako sa industriya, at merong part sa sarili ko na, I don’t want it to be very public.

“Pero na-realize din naman na, what’s wrong with telling it to everybody, and be open about your relationship.

“And ngayon po, we’re now very open, at wala na kaming itinatago.

“Sobrang saya!”

Ganun nga raw sila katiwala sa isa’t isa, kaya nang gawin ni Kim ang iWant movie na MOMOL Nights with Kit Thompson, kung saan marami silang daring scenes, wala raw selosang nangyari.

Saad ni Kim, “Si Je naman po, he’s very professional.

“I mean, his intelligence, umaabot po yun hanggang sa pagiging professional niya.

“Tulad nga po ng sinabi ko kanina, most of the projects that I have, yung scripts po, when I study it, he reads it also.

Continue reading below ↓

“Kasi, he teaches me din, he gives me tips, kasi senior ko po siya as an actor, so he knows more.

“Yun po ang lagi kong ano… na he knows more.

“So, nirerespeto ko po yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa mediacon ng #Jowable na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong September 13.

Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Darryl Yap para sa Viva Films, at magbubukas ito simula sa September 25.

THE NEW RUFA MAE QUINTO?

Dahil nalilinya si Kim sa sexy-comedy roles, maraming netizens ang nagsasabingsiya na raw ang pinakabagong Ruffa Mae Quinto ng showbiz.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Paliwanag ng actress-singer, “I’m okay with it, kung dun po ako malilinya.

“Pero right now, I’m not really boxing myself in one genre.

“Kumbaga, kung tatanungin ako ng mga tao, kung ano ka bang klaseng aktres, ang sagot ko po ay isa lang, ‘Isa po akong aktres.’

Continue reading below ↓

“Kumbaga, kung gusto niyo po akong maging horror, gagawin ko po.

“Kung gusto niyo pong gawin ko ay comedy o drama, gagawin ko po wholeheartedly and with the whole of me.

“And with regards Ms. Rufa Mae, idol ko po siya.

“Natutuwa po ako sa kanya at marami siyang pinasasaya.

“Kung ano man ang na-achieve niya sa genre na ‘yan, pinagtrabahuhan niya nang gusto, at nag-iisa siya diyan.

“Yun lang po.”

Si Kim ay napapanood din sa ABS-CBN drama series na Kadenang Ginto.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina on relationship with boyfriend Jerald Napoles: "Ibang level ang relationship namin. Kasi dati, parang tago kami... Pero na-realize din naman na, what’s wrong with telling it to everybody, and be open about your relationship. And ngayon po, we’re now very open, at wala na kaming itinatago. Sobrang saya!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results