Super Tekla picks most handsome, most beautiful celebrities

by Rommel Gonzales
Sep 17, 2019
Super Tekla on comfort-room issue: "Nonsense! Mas maraming importanteng ano... dyusko! Ang daming Pilipino nagugutom ngayon, ‘no! Ang daming batas na puwedeng ipatupad, huwag na yun."
PHOTO/S: Rose Garcia

Dual role si Super Tetay sa Kiko En Lala.

Paglalarawan ng Kapuso comedian sa kanyang role, “Isang bakla po at isang lalaking guwapung-guwapo sa sarili niya!

“As in, ‘Wala kayong pakialam, ang pogi ko!’

“Parang ganun. Dual po, magkadikit po, conjoined twins.

“Ang nangyari lang, super-bakla yung isa, ang dami niyang gustong gawin, hindi niya magawa dahil magkadikit nga sila.”

Sa tunay na buhay, kaninong artista siya guwapung-guwapo?

“Kay Kuya Jose [Manalo]!” sagot ni Super Tekla.

Seryoso siya?

“Siyempre joke lang yun!" tawa niya.

Patuloy ni Super Tekla, “Sa ngayon, siyempre yung kaibigan ko, si Alden [Richards].

“Lalo na ngayon, ang guwapo niya ngayon!”

Sabi pa niya tungkol sa The Gift star, “Ang healthy ng pagkaguwapo niya, yung pumayat na ang presko, na ang healthy. Oh my God!”

Kaninong artistang babae naman siya gandang-ganda?

“Ay, may dyowa na siya, e. Kay Kris Bernal.

Continue reading below ↓

"Siya yung ideal girl ko," sabi ni Super Tekla.

Crush daw niya ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko female lead star.

Gandang-ganda rin daw siya kay Jennylyn Mercado.

“Si Ate Jen, lalo na ngayon, sobrang hot niya! Ang ganda ng mukha ng batang ito!”

Sino sa kanila ni Dennis Trillo, boyfriend ni Jennylyn, ang mas guwapo?

“Siyempre si Dennis Trillo! Kalokohan na yun!

"Milya-milya ang hahabulin ko dun,” sabi ni Super Tekla, na isang straight guy sa totoong buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Super Tekla sa pocket interview niya sa GMA Network Center noong September 12, Huwebes.

COMFORT ROOM ISSUE

Hiningan din ng reaksiyon si Super Tekla tungkol sa isyu ng paggamit ng public comfort room ng mga crossdresser at transgender.

Hindi man siya tunay na gay ay nagsusuot ng damit na pambabae si Super Tekla.

“Ako? Nonsense!” bulalas niya.

Continue reading below ↓

“Mas maraming importanteng ano... dyusko!

“Ang daming Pilipino nagugutom ngayon, ‘no! Ang daming batas na puwedeng ipatupad, huwag na yun.

“Kung bakla tayo, atin-atin na lang yun, dyusko!”

Kahit nakabihis-babae ay sa CR ng lalaki pumapasok si Super Tekla.

“Kung pagtitinginan ako, ‘O, bakit?!’

“Nakaka-offend… hoy, kayong mga lalaki, minsan nakaka-offend kayo!

“Yung papasok yung bakla [sa CR], titingnan, ‘tapos iihi, itatago, iiiwas sa bakla, hindi niya alam, yung nasa kabila niya, bakla din, e, di wala din siyang kawala!

“O, bongga, jackpot ka ngayon!” natatawang biro ni Super Tekla.

NO FRICTION WITH BOOBAY

Bagamat unang nagkaroon ng launching movie si Super Tekla kaysa sa co-host niya sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) na si Boobay, wala raw friction sa pagitan nila.

Ito ay sa kabila na mas nauna sa showbiz at mas unang sumikat si Boobay kaysa kay Super Tekla.

Continue reading below ↓

Saad ni Super Tekla, “Si Boobay, ito yung taong napaka-low profile, ang bait!

“Sobrang friend siya ng lahat. Sa work, sobrang bait, sobrang sipag.”

Magkaibigan sila, pero never pa raw silang gumimik o rumampa na magkasama.

Paliwanag ni Super Tekla, “Kasi after ng work, kanya-kanya na kami ng mundo.

“Close kami sa set, sobrang close.

“Sa comedy bar, close rin kami, magkasama kami, may bar kami na pine-perform-an every night.”

Paniniyak pa ni Super Tekla, walang insecurity sa pagitan nila.

Dapat nga raw ay guest si Boobay sa Kiko En Lala.

“Kaya lang nagkaproblema sa schedule niya. I’m looking forward na makasama siya kaso hindi talaga naayos yung schedule niya.”

THREE PEOPLE TO INVITE

Kung may tatlong tao na nais nyang imbitahan sa premiere o sa first day showing ng Kiko En Lala, sino ang mga ito?

“Kung puwede, siyempre, si Kuya Alden,” sabi ni Super Tekla.

Continue reading below ↓

Iimbitahan din daw niya si Willie Revillame, ang host ng Wowowin kung saan nagsimula ang career ni Super Tekla.

“Kung puwede nga lang, e.”

Hahanap raw siya ng timing para imbitahan ang TV host.

Ang pangatlong iimbitahin niya ay ang orihinal niyang ka-tandem bilang stand-up comedian na si Donita Nose.

“Kasi siyempre, aminin naman natin, kung hindi dahil kay Donita, kung hindi niya ako tinawagan na mag-guest sa Wowowin para maglaro, walang Super Tekla ngayon.

“Wala ring Super Tekla kung hindi ako nakita ni Kuya Wil.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla on comfort-room issue: "Nonsense! Mas maraming importanteng ano... dyusko! Ang daming Pilipino nagugutom ngayon, ‘no! Ang daming batas na puwedeng ipatupad, huwag na yun."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results