Mikoy Morales still feels single despite being in a relationship with Thea Tolentino

by Rommel Gonzales
Sep 17, 2019
Mikoy Morales on relationship with girlfriend Thea Tolentino: "Recently lang na-realize ko na I get to still feel single whenever I want to, within a relationship. And that’s a luxury that not everyone gets and I’m lucky to be in that kind of a relationship."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sobrang masaya ang love life ni Mikoy Morales sa girlfriend niyang si Thea Tolentino.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Recently lang na-realize ko na I get to still feel single whenever I want to, within a relationship.

"And that’s a luxury that not everyone gets and I’m lucky to be in that kind of a relationship.

“Single na hindi yung parang, ‘A, maghahanap ako ng ibang date!’

“Hindi! Pero yung time na pagod ka, maiintindihan niya, walang sakal na parang kunwari busy ako, ayoko muna ng may iniisip, okay lang sa kanya.

“Siya, ganun din sa akin. Siya rin, kapag may kailangan siyang gawin...

"I mean, we will only help each other kapag hindi na namin kayang mag- isa and kapag humingi ng tulong.

“Pero pag ganito na kanya-kanya, we’re still on our own individual journey.”

Walang pressure ang relasyon nila, na obligado na mag-date, mag-dinner o gumimik on a regular basis.

Continue reading below ↓

“Wala! Wala, sobrang wala, and dun ako masaya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Mortal) si Mikoy sa grand mediacon ng bagong Kapuso primetime series na The Gift noong Setyembre 9, Lunes, sa Prime Hotel, QC.

ALDEN RICHARDS'S "BEST FRIEND"

Na-excite si Mikoy nang sabihan siya na kasali siya sa The Gift at best friend ng karakter ni Alden Richards ang gagampanan niya.

“Na-excite ako sa fact na nalaman ko na yung concept and yung kung sino yung direktor, tapos si Alden.

"'Tapos parang, game na ako kaagad, game na ako dun!

“Kasi sa totoo lang, before this, medyo ayoko nang mag-soap,” rebelasyon ni Mikoy.

“Wala lang, kasi andun na ako sa… kasi Bubble Gang, 'tapos Pepito Manaloto, 'tapos naka-focus na ako dun, and parang nag-start na ring magsulat and I get to do film projects, ganun.

“Pag nag-soap kasi, tatlong araw agad mawawala sa isang linggo ko.”

Continue reading below ↓

Nabago ang isip ni Mikoy dahil sa direktor ng The Gift na si LA Madridejos.

“My favorite director!" bulalas niya.

"In My Special Tatay, sa soap, favorite director ko. And first time naming magkakatrabaho nang matagal kasi.

"Laging guest role lang ako sa kanya or Magpakailanman.

“'Tapos iyon pa, it’s an Alden project, hindi siya typical na, ‘A, may love team si ganito’, ganyan.

"Hindi siya magmumukhang kung sino, who will end up with who, e.

“It’s a matter of journey ni Alden talaga ito, ng Sep character niya.”

Unang beses ni Mikoy na katrabaho si Alden sa isang project.

“So andun yung feeling na parang… I’ve never really worked with him before personally but… ayokong showbiz pakinggan, kasi kahit paano ko sabihin, baka iyon yung maging dating.

“But now that I got the chance, parang nandun yung… nakaka-inspire siya, kasi feeling ko, dala-dala niya yung bandera ng GMA!

Continue reading below ↓

“And it’s really not hard to admire him from afar based on his body of work and, iyon nga, I never got the chance to tell him that, na…

“Kasi nagkakasalubong lang kami lagi, e, and once lang kami nagkasama sa workshop.

"But now na nakikita ko na in action yung craft niya and yung pagiging genuine niya, yung pagiging malaki ng puso niya, yung ganun.

“It’s ang cheesy, pero it’s an honor, it’s an honor.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikoy Morales on relationship with girlfriend Thea Tolentino: "Recently lang na-realize ko na I get to still feel single whenever I want to, within a relationship. And that’s a luxury that not everyone gets and I’m lucky to be in that kind of a relationship."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results