Angel Locsin gets bashed for skipping ABS-CBN Ball 2019, donating cash to Bantay Bata

by Arniel C. Serato
Sep 17, 2019
Angel Locsin to a netizen: "If you think your vanity is more important than prioritising those children, then hindi kita nainfluence ng tama. I’m disappointed. My fans are the most selfless, caring people ever. They have genuine compassion for people.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinuri ng maraming netizens ang naging desisyon ni Angel Locsin na sa halip na dumalo sa ABS-CBN Ball 2019, direkta siyang nag-donate sa beneficiary ng annual charity event ng Kapamilya network.

Sa Bantay Bata 163 ng ABS-CBN Foundation mapupunta ang lahat ng nalikom sa ABS-CBN Ball na ginanap noong Sabado, September 13, sa Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Ayon sa tantiya ng The General’s Daughter star, kulang-kulang sa P200,000 ang magagastos niya para sa kanyang gown at make-up sakaling um-attend siya ng ball.

Para sa netizens, kapuri-puri ang ginawang ito ng aktres dahil buo niyang maibibigay sa foundation ang nasabing halaga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

HATERS WILL BE HATERS

Ngunit tila sadyang may mga tao talagang hindi masaya sa kung anuman ang magandang layunin ng iba, katulad ng ginawa ni Angel.

Sa social media, may mangilan-ngilan na imbes na sumuporta ay minasama pa ang aksiyong ito ng Kapamilya actress.

Katulad na lamang ni @teddybagsicanna na nagkomento sa Instagram post ni Angel sa pamamagitan ng isang verse mula sa Bibliya:

“'But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing.' Matthew 6:3”

Sinagot naman siya kaagad ni Angel sa pamamagitan ng verse mula rin sa Bibliya:

"Matthew 7:1-2 'Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you.'"

Continue reading below ↓

Sa Twitter, nakipagsagutan din si Angel sa isang netizen na may handlename na @BertangBalugaBaby.

Mensahe ng netizen kay Angel, “Yan sinasabi ko @143redangel, pwede ka magsuot ng old gown at umattend ng ball at saka ka mag donate.

“Parang pinapalabas mo na “wag na magkaron ng ball” ang @ABSCBN at gayahin ka na lang ang ginawa mo.

“WOW!!! Feeling mo ha?! Mag gown ka nga at pakita mo sa min na desrve mo suot.”

Barado naman ito sa sagot ni Angel: “Marunong ka pa sa invited.”

Continue reading below ↓

Sagot sa kanya ng nasabing netizen, “Hahaha. Affected? Ang dami mo pa kasi daldal e.

“Kung di ako aattend, quiet ka na lang.

“Me nalalaman ka pa na DONATE derecho. PASIKAT????”

Buwelta ni Angel: “Magdonate ka para di ka triggered ng guilt momshi.”

ANGEL ASKS BASHER TO UNFOLLOW HER

Isa namang screenschot ang kumalat sa Twitter mula sa isang Instagram conversation sa pagitan ng isang netizen at ni Angel.

Continue reading below ↓

Pasaring ng netizen sa aktres, “Im sure there will be comments here na 'so yung iba na gumastos ng sobra ay Pinaghandaan yung ball imbes na idonate sa charity? unlike what u did?

“Mapagkakamalan ka naman na santu santohan Gel.

“Kaya daming fans ng ibang Celeb tingin sayo plastic. Hay naku.”

Mahinahong sagot dito ni Angel, “@hmuaphilippines please do me a favor and unfollow me.

“If you think your vanity is more important than prioritising those children, then hindi kita nainfluence ng tama.

“I’m disappointed.

“My fans are the most selfless, caring people ever.

“They have genuine compassion for people.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin to a netizen: "If you think your vanity is more important than prioritising those children, then hindi kita nainfluence ng tama. I’m disappointed. My fans are the most selfless, caring people ever. They have genuine compassion for people.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results