Ai-Ai delas Alas criticizes gowns of Miss World Philippines 2019 winners; netizens react

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2019
Ai-Ai delas Alas says the gowns of Miss World Philippines 2019 winners pale in comparison with Miss Universe 2018 Catriona Gray. "Para silang mga boldstar ang dating hindi nakaka elegante," she says.
PHOTO/S: Noel Orsal / @pageanttrend on Instagram

Hindi naiwasan ni Ai-Ai delas Alas na ibahagi ang kanyang opinyon tungkol sa evening gowns ng mga nanalong kandidata sa Miss World Philippines 2019.

Ginanap ang coronation night sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, nitong Linggo, September 15, 2019.

Kinoronahang Miss World Philippines 2019 ang model-turned-actress na si Michelle Dee, anak ng aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Ang iba pang winners ay sina Katrina Llegado (Miss Reina Hispanoamericana Filipinas), Kelley Day (Miss Eco Philippines), Isabelle de Leon (Miss Multinational Philippines), Glyssa Perez (Miss Tourism Philippines), Vanessa Mae Walters (Miss Eco Teen Philippines), Shannon Kerver (1st Princess), at Casie Banks (2nd Princess).

AI-AI DELAS ALAS'S ISSUE WITH THE GOWNS

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng kanyang obserbasyon si Ai-Ai kalakip ng litrato ng Miss World Philippines 2019 winners.

Mapapansin na sa walong beauty queens, anim sa kanila ang may slit ang evening gowns.

Pinuna ng 54-anyos na komedyante ang disenyo ng gowns, partikular ang pagkakaroon nito ng slit.

Continue reading below ↓

“Ms world 2019 .. ( CONGRATULATIONS sa MGA NANALO) nanood ako kahapon d ko lang natapos kasi kailngan ko gumising ng maaga may work ako,” simula ng post ng Kapuso star.

Patuloy niya, “isa lang ang hindi ako maka move on bakit parang lahat ng GOWN ng contestants may slit either sa kanan or sa kaliwa na mala catriona ( etong pic dba lahat sila labas yung hita nila ) mga 80 % ng gown ganun bakit?

“Iba iba naman ang designer .. basta wierd talaga."

Pagkukumpara pa ni Ai-Ai, malayo ito sa pagdadala ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ng kanyang red lava gown na may slit.

“Yung ibang gown tuloy parang hindi lumabas na maganda kasi d naman swak yung may slit parang ipinipilit lang lagyan -- iba kasi yung kay catriona talagang swak yung dating sa kanya ...dito parang nakakalito...”

Ginamit pang hashtags ni Ai-Ai ang mga sumusunod: #sawalo6angmayslit, #nakakalitonggown, #lahatnalangmayslit, at #pwedenamangwalanon.

Continue reading below ↓

Sa comments section, sinang-ayunan ni Ai-Ai ang komento ng isang netizen na “parang bold star” ang mga kandidata.

Komento ng Kapuso comedienne: “yun na nga ang nasa isip ko para silang mga boldstar ang dating hindi nakaka elegante.”

Continue reading below ↓

MIXED REACTIONS FROM NETIZENS

Hati naman ang reaksiyon ng netizens sa post ni Ai-Ai.

May mga sumang-ayon sa obserbasyon niya at ilan sa kanila ay sinagot ni Ai-Ai.

Pero ang iba, kinastigo si Ai-Ai at sinabihang ang pagpuna niya ay kabaliktaran ng kanyang mga post tungkol sa positivity at Bible verses.

Hindi na sinagot ni Ai-Ai ang mga ito.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas says the gowns of Miss World Philippines 2019 winners pale in comparison with Miss Universe 2018 Catriona Gray. "Para silang mga boldstar ang dating hindi nakaka elegante," she says.
PHOTO/S: Noel Orsal / @pageanttrend on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results