Ken Chan fondly recalls start of accidental love team with Rita Daniela

by Rose Garcia
Sep 18, 2019
Ken Chan on his accidental love team with Rita Daniela: "Si Rita, nag-o-audition para sa role ni Aubrey. Yun ang naalala ko, natatawa ako dahil, hindi ko alam, yung araw na yun pala ay magbabago ang buhay namin. Mababago ang buhay niya, mababago ang buhay ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Napangiti si Ken Chan nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naiisip niya ngayong umabot na ang “accidental love team” nila ni Rita Daniela—na nagsimula sa My Special Tatay—sa pagiging journey hosts ng The Clash Season 2 at sa bagong primetime series na One of the Baes.

Nang simulan kasi ang My Special Tatay, sina Ken at Arra San Agustin ang ginu-groom na magka-love team.

Pero mas kinagat ang kakaibang tambalan nina Ken at Rita, na tinawag na BobRey (Boyet and Aubrey).

Lahad ni Ken, “Kapag nilu-look back ko, natatawa ako.

"Si Rita, nag-o-audition para sa role ni Aubrey. Yun ang naalala ko, natatawa ako dahil, hindi ko alam, yung araw na yun pala ay magbabago ang buhay namin.

“Mababago ang buhay niya, mababago ang buhay ko.”

Para kay Ken, ang pagiging totoo nila ni Rita ang nakikita niyang dahilan kaya nagugustuhan ng publiko ang tambalan nila.

Continue reading below ↓

Katuwiran niya, “Kasi, hindi kami nagpi-pretend. Ayaw naming ipilit.

"Nagustuhan kami ng mga tao, kasi sinasabi namin kung ano ang totoo.

“Sinasabi namin na hindi kami talaga. Ayaw naming sabihin na kami na, which is, hindi naman talaga.

“Real friends, purong pagkakaibigan ang meron kami at yun ang nagustuhan ng mga tao.

“Doon kami nagpapasalamat na kahit hindi kami ni Rita, kahit hindi kami magkarelasyon, nandiyan pa rin sila, suportado pa rin nila kami.”

PAGDATING NG PANAHON

Hindi raw masasabi ni Ken kung magiging sila ni Rita pagdating ng panahon.

“Hindi natin masasabi yun. Ang gusto namin, go with the flow lang. Kung ano man yun.”

Nagka-clash ba sila ni Rita?

“Hindi, nagkakapikunan lang po kami!” natawang sabi niya.

“Yung pikunan na akala ng ibang tao kapag narinig nila, nag-aaway kami. Pero hindi.

"At saka hindi pa kami nagka-clash, huwag naman po sana.”

Ayon pa kay Ken, “Magkaibang-magkaiba ang personality namin.

"Pero hindi kami nagka-clash, nagkaka-jibe pa kami.

“Ang pareho kami ni Rita, pareho kaming breadwinner. At may pangarap kami at doon kami nagkakatulungan.”

Paano sila nagkakaiba?

“Si Rita ay very vocal,” sambit ni Ken.

“Kung meron siyang gustong sabihin, sasabihin niya.

"Ako naman kasi yung tipong tatahimik na lang. Yung tipong nahihiya akong sabihin kung ano ang totoo.

“Si Rita, kapag may nakita siya sa ‘yong mali, sasabihin niya.

"Kapag may nakita siya sa ‘yo, ia-appreciate niya. Very showy siya.

"Ako, hindi.”

Nakausap ng PEP.ph si Ken sa grand mediacon ng The Clash Season 2 noong Setyembre 11, Miyerkules, sa Hive HotelS, gt. Esguerra, Quezon City

THE CLASH JOURNEY HOSTS

Kinabahan daw si Ken nang malaman niyang kasama sila ni Rita sa second season The Clash.

“Bukod sa mga biritera at biritero ang kasama ko, e, ang daming viewers ng The Clash,” paliwanag ng Kapuso actor.

“Alam mo yung sa pakiramdam na kabado ka. Ano ang expectation sa ‘yo ng mga tao, especially ang ganda ng The Clash Season 1.

Continue reading below ↓

“Pero noong nag-taping na ako ng The Clash kamakailan lang, nawala yung kaba ko noong naramdaman ko na yung mga ilaw, yung mga tao.”

Malaking tulong na kasama pa rin ni Ken ang ka-love team na si Rita para mawala ang kaba niya.

“Pero noong nawala ang kaba ko sa sarili ko, kinabahan naman ako para sa Clashers,” saad ni Ken.

“Kasi, everytime na makikita ko sila, naiihi silang talaga sa sobrang kaba.

"Iba naluluha, yung iba, 'Kuya Ken, sino na po? Ako na po ba?'”

Mapapanood ang Season 2 ng The Clash tuwing Sabado (after Daddy’s Gurl) at Linggo (after Daig Kayo Ng Lola Ko) simula September 21.

Sixty-four clashers ang maglalaban-laban muna hanggang sa unti-unting magkakatanggalan na.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on his accidental love team with Rita Daniela: "Si Rita, nag-o-audition para sa role ni Aubrey. Yun ang naalala ko, natatawa ako dahil, hindi ko alam, yung araw na yun pala ay magbabago ang buhay namin. Mababago ang buhay niya, mababago ang buhay ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results