Jake Cuenca, Kylie Verzosa admit getting jealous of their co-stars

by Bernie V. Franco
Sep 18, 2019
Jake Cuenca on girlfriend Kylie Verzosa: “When me and Kylie started dating, the change is already there. But if anything changed now that we’re together, life is better. It’s better, happier, it’s free flowing, it’s nothing forced between the both of us.”
PHOTO/S: Mark Atienza

“Yes, oo naman.”

Ito ang pagkumpirma ni Jake Cuenca, 31, nang matanong kung magkarelasyon na ba sila ni Kylie Verzosa, 27.

“Hindi pa ba obvious?” natatawang dagdag ni Kylie sa guest appearance nila ni Jake sa ABS-CBN late-night entertainment talk show Tonight With Boy Abunda, nitong Martes, September 17.

Magkasama ang dalawa sa Kapamilya afternoon teleserye na Los Bastardos.

Nilinaw naman ni Kylie ang lumabas na balita noon na si Jake diumano ang dahilan ng paghihiwalay ng beauty queen at dati nitong boyfriend.

“No, not at all,” pagtanggi ng Miss International 2016.

“It just didn’t work out.

“It was a difficult relationship, so I’m really glad Jake is with me now.”

KYLIE ADMITS SHE GOT JEALOUS OF THIS ACTRESS

Sa isang punto ng interview, tinanong ng host na si Boy Abunda sina Jake at Kylie kung may mga artista ba silang pinagselosan.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Jake, pinagselosan niya ang co-star nila sa Los Bastardos na si Joseph Marco.

“Bigla kasing sinwitch yung partners namin sa show, e,” kuwento ng aktor.

Naipareha raw si Kylie kay Joseph.

“Nung nagpalit ng partners parang, at first, okay lang naman.

“Pero nung nakita ko na magkaeksena, kailangan kong aminin ang nararamdamdan ko in that moment, selos iyon.”

Inamin din ni Kylie na pinagselosan niya ang co-star nila sa teleserye na si Ritz Azul, pero para sa ibang proyekto.

“They did a movie kasi together…” sabi ni Kylie, na ang tinutukoy ay ang pelikulang KontrAdiksyon na ipinalabas noong April 2019.

Gumanap bilang magkasintahan sina Jake at Ritz sa pelikula.

Pagpapatuloy ni Kylie, “Nanood kasi ako.

“Hindi naman ako na-inform na andami ninyong eksena, e.

“Kasi, Tito Boy, usually when I watch Jake’s movie, I get ready for the scenes that I have to see.

Continue reading below ↓

“E, hindi ako handa dito, parang I didn’t prepare myself for this.

“Nagselos ako. Nagselos ako doon sa movie.

“Umiinit kasi ang ulo ko when I get jealous,” lahad ni Kylie.

Pero paglilinaw ni Kylie, magkaibigan sila ni Ritz, lalo pa’t magkatrabaho sila ngayon.

HOW IT ALL STARTED

Unang nagkatrabaho sina Jake at Kylie sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Ang Panday, na pinagbidahan ni Coco Martin.

“Hindi ko siya type noon. He had long hair…” natatawang kuwento ni Kylie.

Ayon naman kay Jake, nagpapadala pa siya ng direct messages noon kay Kylie sa Instagram, pero hindi siya pinapansin ng beauty queen-turned-actress.

Pero naniwala raw si Jake na magkakatrabaho sila, at nangyari nga ito nang mapabilang sila sa Los Bastardos.

Nabuo raw ang pagkakaibigan nila, hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Hindi naman binanggit ng magkasintahan kung kailan sila opisyal na naging magkarelasyon.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Jake, bago sila naging magkasintahan ni Kylie ay inayos muna niya ang sarili.

“I had two years to really fix myself before we started dating.

“Ang pagbabago na iyon, that change, is organic.

“I made that for myself.

“When me and Kylie started dating, the change is already there.

“But if anything changed now that we’re together, life is better.

“It’s better, happier, it’s free flowing, it’s nothing forced between the both of us.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on girlfriend Kylie Verzosa: “When me and Kylie started dating, the change is already there. But if anything changed now that we’re together, life is better. It’s better, happier, it’s free flowing, it’s nothing forced between the both of us.”
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results