Kim Domingo no regrets about dropping sexy image

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2019
Kim Domingo grateful for the support of her fans: "Masaya ako ngayon kahit papano andiyan pa rin yung mga tao na sumusuporta sa akin noon hanggang ngayon. Sinusuportahan pa rin nila ako sa kung ano man ang pinili ko na desisyon. So, happy ako dun.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Walang pinagsisisihan si Kim Domingo sa desisyon niyang talikuran ang pagpapa-sexy at mag-focus sa mga role sa telebisyon at pelikula na hindi naman kailangang magpapakita ng katawan.

Noong 2018, nagdeklara si Kim na, kung kayang maiwasan, iiwas na siyang tumanggap ng mga proyektong magbubuyangyang sa kanyang katawan.

Saad ng 24-year-old actress, “Mas gusto ko naman talaga gumawa ng mga seryosong acting talaga.”

Pero aminado si Kim na hindi na mabubura sa kamalayan ng mga tao na dumaan din siya sa pagpapa-sexy.

Aniya, “Siguro, habang buhay na nakatatak 'yan sa tao, e.

“Siyempre, di ba, kahit naman yung mga dating sexy star, kapag naalala mo yung pangalan nila, ‘A, dati nagpa-sexy 'yan.’

"Pero... I mean, di ba?

"Masaya ako ngayon kahit papa'no andiyan pa rin yung mga tao na sumusuporta sa akin noon hanggang ngayon.

“Sinusuportahan pa rin nila ako sa kung anuman ang pinili ko na desisyon.

“So, happy ako dun.”

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa media conference ng kinabibilangan niyang pelikula, ang Kiko En Lala, sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City, kahapon, September 17.

Kasama rin pelikula sina Super Tekla, Jo Berry, Kiray Celis, Tetay, at Derrick Monasterio. Ito ay mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa September 25.

Continue reading below ↓

"GOOD CHOICE"

Masaya pang kuwento ni Kim, marami ang nagsasabi sa kanyang maganda ang naging desisyon niyang mag-shift ng mga tatanggaping proyekto.

“'Tsaka, parang mas dumarami nga, napapansin ko, may nawala, pero mas dumami yung nagsu-support.

"Kasi, ang daming nagsasabi sa akin na, ‘Good choice,’ ganyan, ganyan. Buti naisip mo 'yan. Akala namin kasi gusto mo habang buhay ka lang magpapa-sexy,’ ganyan.”

Ngayon, abala si Kim sa promo ng Kiko En Lala.

Regular din siyang napapanood sa afternoon drama series na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko at sa weekly sitcom na Bubble Gang.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo grateful for the support of her fans: "Masaya ako ngayon kahit papano andiyan pa rin yung mga tao na sumusuporta sa akin noon hanggang ngayon. Sinusuportahan pa rin nila ako sa kung ano man ang pinili ko na desisyon. So, happy ako dun.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results