Kim Domingo not yet ready to fall in love again

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2019
Kim Domingo on falling in love again: "Huwag muna, huwag muna. Hindi pa ako ready."
PHOTO/S: Noel Orsal

Naka-move on na si Kim Domingo sa hiwalayan nila ng nobyong si Mike Acuña noong nakaraang Hunyo.

Umabot sa halos tatlong taon ang relasyon nila kung saan umamin pa nga ang Kapuso actress na nagli-live in sila ni Mike.

Pero kahit hiwalay na, wala raw dahilan para hindi mapanatili ang kanilang pagkakaibigan ng dating basketbolista.

Saad ni Kim, “Ano, hindi naman kami naghiwalay na not on good terms.

“Okay kami nung naghiwalay kami, walang galit.”

Ngayong loveless siya, naramdaman ba ni Kim na may kulang sa kanyang buhay?

Tugon ng dalaga, “Siguro yun nga, mas nagkaroon ako ng time sa sarili ko.

“Kumbaga, mas naano ko yung sarili ko.

"Kasi, di ba, hindi naman natin masisisi ang sarili natin, e, kapag nagmahal tayo, e, ganun talaga, di ba?

“Hindi natin puwede sabihin na kapag nagmahal ka... Kasi ako, personally, hindi ako naniniwala dun na kapag nagmahal ka, huwag mo ibibigay lahat.

Continue reading below ↓

“So, ikaw nga kapag minahal ka, gusto mo all out. So, ikaw din dapat ganun.”

Ready na ba siyang ma-in love muli?

Sagot ni Kim, “Huwag muna, huwag muna. Hindi pa ako ready.

“Work muna ako ngayon.

"'Tsaka itong ginawa kong serye, medyo mabigat talaga siya.

"So, yung focus ko ay dun muna talaga, kasi gusto ko mabigay yung best ko.”

Ang tinutukoy ni Kim ay ang Kapuso drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa media conference ng pelikulang Kiko En Lala kahapon, September 17, sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City.

Ang Kiko En Lala ay pinagbibidahan din nina Super Tekla, Jo Berry, Tetay, at Derrick Monasterio.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa September 25.

MORE TIME WITH FAMILY

Kapag walang trabaho, naka-focus daw si Kim sa kanyang pamilya.

Sabi niya, “Kasi ang mahalaga ano, e, nandiyan siyempre yung mga ano ko, mga friends and siyempre yung family ko.

Continue reading below ↓

“So, parang dun ko na lang mas binuhos yung atensiyon ko.

“Kapag wala akong work, nilalabas ko sila.

“Like ito, nagbakasyon kami sa Thailand, buong family, isinama ko sila.

“Kasi every year, e, ano talaga, nililibot ko yung family ko sa ibang bansa—that’s my goal talaga.

“So, ang pagtatrabaho ko, para sa kanila talaga.

“So, gusto ko lahat ng mapupuntahan kong bansa, mapuntahan din nila.

“So, yun yung goal ko.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo on falling in love again: "Huwag muna, huwag muna. Hindi pa ako ready."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results