Are Jeric Gonzales and Klea Pineda in a relationship?

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2019
Jeric Gonzales and Klea Pineda share their sweet photos on Instagram. Netizens ask: Are they in a relationship?
PHOTO/S: Courtesy: @jericgonzales on Instagram

Naging curious ang followers nina Jeric Gonzales at Klea Pineda kung may namamagitan na sa kanila.

Ito ay dahil sa bagong Instagram posts ng dalawang Kapuso stars.

Kahapon, September 17, nakalagay sa post ni Jeric ang caption na ito: “Above the clouds @kleapineda.”

Maraming followers ng aktor ang kinilig sa post niyang ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa parte naman ni Klea, nag-post siya ng larawan nila ni Jeric habang nasa loob ng eroplano.

Sa larawan ay makikitang nakapatong ang ulo ni Klea sa balikat ni Jeric.

Nilagyan lamang niya ito ng “smirking face emoji” bilang caption.

Continue reading below ↓

Ngayong araw, September 18, nag-post si Jeric ng larawan nila ni Klea, na magkahawak-kamay, habang nasa loob ng Magellan’s Cross sa Cebu.

Nakalagay sa caption: “Matagal kong pinangarap na makita ka at masilayan ka. Maraming Salamat po Lord. The best ka.”

Marami sa mga nagkomento sa post niyang ito ang nagsabing bagay sina Jeric at Klea.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Tanong na marami: may namamagitan nga ba talaga sa kanila o bahagi lamang ito ng promo para sa kanilang upcoming drama series.

Nasa Cebu ang dalawa para sa taping ng Magkaagaw.

Ang huling napabalitang naging karelasyon sa showbiz ni Jeric ay si Pauline Mendoza, na nali-link ngayon sa Kapamilya actor na si Ryle Santiago.

Continue reading below ↓

Sina Jeric at Klea ay parehong produkto at winners ng talent search ng GMA-7.

Si Jeric ang male winner ng Protégé: The Big Artista Break noong 2012; ang female winner ay si Thea Tolentino.

Si Klea naman ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 6 noong 2015; ang Ultimate Male Survivor ay si Migo Adecer.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales and Klea Pineda share their sweet photos on Instagram. Netizens ask: Are they in a relationship?
PHOTO/S: Courtesy: @jericgonzales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results