Kylie Verzosa, Maxine Medina clear up duraan issue; blame social media hype

by Bernie V. Franco
Sep 18, 2019
Kylie Verzosa (left) and Maxine Medina air their side on the duraan issue. Kylie says she apologized to Maxine right after their scene, while Maxine claims Kylie apologized to her four days after the controversial incident.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagbigay ng kani-kanilang panig sina Kylie Verzosa at Maxine Medina kaugnay ng pinag-uusapang duraan issue sa pagitan nila.

September 10, 2019 nang mag-post ng blind item sa Facebook si Dianne Medina, pinsan ni Maxine, tungkol sa isang artista na dinuraan diumano ang co-star sa eksena kahit hindi ito kasama sa script.

Magkasama sina Kylie at Maxine sa ABS-CBN drama series na Los Bastardos, na nasa huling dalawang linggo na.

Hindi itinago ni Dianne ang kanyang galit dahil kamag-anak niya ang dinuraan.

Hindi man pinangalanan ni Dianne kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang blind item, lumutang ang mga pangalan nina Kylie at Maxine.

September 13, sinabi ni Kylie sa isang interview na na-carried away siya sa mga eksena nila ni Maxine pero nag-sorry raw siya agad ito.

Taliwas naman ito sa post ni Dianne dahil hindi raw nag-sorry ang aktres pagkatapos ng eksena.

KYLIE VERZOSA SPEAKS UP

Sa farewell press conference ng Los Bastardos ngayong Miyerkules, September 18, tinanong sina Kylie at Maxine kung kumusta na ang kanilang relasyon pagkatapos lumabas ng isyu.

Continue reading below ↓

“Friends kami ni Maxine ngayon, okay kami ngayon,” sagot ni Kylie.

Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Kylie na nadala siya sa eksena dahil kontrabida ang ginagampanan niyang role, si Dulce.

“Isa siya sa pinakamalalang kontrabida dito sa show.

"Baliw na po siya, obsessed na po siya,” paglalarawan ng Miss International 2016 sa kanyang karakter.

“So, nagkaroon po kami ng eksena ni Maxine, patapos na po yung show, sobrang heightened na po yung emotions namin.

“Lahat, super heightened emotions po.

"Siyempre, as a character po, nakaposas po ako, dala-dalawa yung pulis na nakahawak sa amin, siyempre hindi mo po talaga maiiwasan na may masasaktan pa ng iba.”

Sabi pa ni Kylie, “Right after naman, nag-sorry ako…”

Katuwiran pa niya, ito ang pinakaunang acting project niya kaya malaking challenge ang gumanap na kontrabida.

“Parang siguro po, parang nadala talaga sa eksena. It was heightened emotions.

Continue reading below ↓

“So, hindi naman po maiiwasan na minsan may extra talaga na nasasaktan.

“Ako nga po, andami kong pasa dahil sa eksena.”

Tinanong si Kylie kung nag-sorry siya kay Maxine pagkatapos ng kanilang eksena.

“Okay naman po kami ni Maxine ngayon,” sagot ni Kylie sa tanong.

MAXINE MEDINA AIRS HER SIDE

Iba naman ang kuwento ni Maxine.

Ayon sa Miss Universe Philippines 2016, nag-sorry si Kylie sa kanya pagkalipas ng apat ng araw matapos mangyari ang eksena.

Halatang hindi inasahan ni Maxine ang ginawang pagdura sa kanya ni Kylie sa kanilang eksena.

Lahad niya, “Nag-sorry naman po siya sa akin after four days na nangyari yung scene.

"So, siguro kasi, lesson na din ito na before gawin yung eksena, let’s talk about it.

"Para kung may mangyaring di kanais-nais, e, kaya nating mag-sorry dalawa.”

Ibinahagi rin ni Maxine na nang magsama rin sila ng Los Bastardos co-star nilang si Ritz Azul sa isang episode ng Ipaglaban Mo, nagkasakitan sila, pero pinag-usapan daw nila ito bago mag-taping.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Maxine, nagpaalam siya kay Kylie na sasampalin niya ito sa kanilang eksena.

“Pero tapos na. Nag-sorry na siya sa akin, nag-usap na kami. Okay na po iyon,” dugtong ni Maxine.

KYLIE SAYS SHE APOLOGIZED AFTER THE SCENE

Hindi naman daw inakala ni Kylie na sasama ang loob ni Maxine sa kanya dahil nagbiruan pa sila sa set pagkatapos ng eksena.

Aniya, “Sobrang nag-uusap na kami, nagbibiruan na kami after, so yun lang po.

“Pero actually, yun nga dapat… before the scene na dapat nag-usap kami.

“Siguro yun lang po yung pagkukulang ko, yung pagkukulang namin...

“First eksena po kasi namin sa umaga, 'tsaka galing kaming travel or whatever, so sana napag-usapan namin.”

Inusisa pa si Kylie kung bakit inabot siya ng apat na araw bago nag-sorry kay Maxine.

Sagot niya, “Ako, alam ko po nag-sorry ako agad-agad, di ba, so... 'tapos nag-usap na kami on set, normal na kami on set.

Continue reading below ↓

“Actually, nagulat po ako sa lumabas na issue na ito.

“Actually, nasasaktan po ako na hindi ko alam kung bakit ito nangyari.

“Sana man lang kinonfront ako sa set if she was feeling bad.

"Pero yun nga lang po, hindi maiiwasan na may masasaktan.

“Pero ang importante po is okay na kami ngayon.”

KYLIE SAYS ISSUE WAS BLOWN OUT OF PROPORTION

Pagkatapos ng presscon proper, pinagtabi sina Kylie at Maxine upang ma-interview pa ng entertainment reporters.

Ani Kylie, lumaki lang ang isyu nila dahil sa social media.

“Actually, alam mo kami ni Maxine, okay kami.

“Yung social media lang talaga ang maingay talaga.

“Alam mo, friends talaga kami ni Maxine ever since Binibini.”

Sina Kylie at Maxine ay magka-batch sa Binibining Pilipinas 2016, kung saan itinanghal na Miss Universe Philippines si Maxine at Bb. Pilipinas-International naman si Kylie.

Pakiusap pa ni Kylie, “Guys, please tama na nga.”

Continue reading below ↓

Pagsang-ayon ni Maxine, “Oo nga, tama na, kasi hindi lang nakaka-affect sa amin as a person, kasi naaapektuhan na rin ang ibang artists.

“Pero I want to put an end to this.

“Ayoko nang lumala pa nang lumala kasi we’re friends ever since.

“Parang simula lang nung lumaki on social media, parang nagkaroon na ng gap.

“So, parang kami, nag-usap kami, parang, ‘What happened?’ ganyan-ganyan...”

Pakli pa ni Kylie, “Tulak pa rin po kayo nang tulak nang tulak ng isyu na parang...”

Ano ang natutunan nila sa pangyayari?

Sagot ni Kylie, “Siguro po, yung puwede kong baguhin yung pag-usapan namin yung scene, di ba?

“Nagka-fight scene kami prior siguro, hindi namin napag-usapan nang mabuti.

"So, siguro this time, sa next show po naming dalawa, mapag-uusapan.”

MAXINE REVEALS HOW DIANNE FOUND OUT ABOUT THE ISSUE

Muli, idiniin ni Kylie na ang pagkakaalam niya ay nag-sorry siya kay Maxine pagkatapos ng eksena nila.

Continue reading below ↓

Inulit din niyang okay sila dahil nagbiruan pa sila kasama ang ibang cast members pagkatapos ng eksena.

Ibinigay naman ni Maxine ang kanyang panig kung bakit hindi niya kinumpronta si Kylie tungkol sa sama ng loob niya.

Saad niya, “Kasi siyempre pag artista ka, pag nagawa na iyon sa set, tapos na, e.

“So siyempre, you have to be professional.

"So, parang ako, okay ako.

“Wala sa akin as long as mag-sorry.

“Pero tapos na iyon, as long as mag-sorry ka sa akin right after.

“Kasi that time, kasama ko lahat, andaming artista sa paligid namin, so I want to make it light.

“Ayokong maging mabigat sa set iyon, ‘tapos maging isyu.

“Ayoko kasi ng ganoon, e.

“Gusto ko friends lahat, gusto ko walang problema.”

Kuwento naman ni Kylie, laking gulat niya nang kumalat sa social media ang nangyaring insidente sa taping.

Continue reading below ↓

Katuwiran pa ni Kylie, magkaiba ang kanyang karakter na si Dulce at kung sino talaga siya sa totoong buhay.

Dito ay inilahad ni Maxine kung paano nakarating sa pinsan niyang si Dianne Medina ang nangyari sa set, na nauwi sa pagpu-post ng huli sa social media.

“That time, right after, sobrang masama loob ko kasi di ko naman in-expect.

“Ako naman, very private akong tao. Hindi ako nag-aano sa social media.

“So, nagkuwentuhan lang kami ng mom ko.

"Sabi ko, ‘Ma, tama ba iyon… ganito, ganyan, blah, blah, blah.’

“And then, eventually, sa sobrang galit ng family ko, lahat sila parang nagalit na, so it’s not under my control, e, anymore.”

Ganito raw nakarating kay Dianne ang kuwento.

Ani Maxine, “Ever since mga bata kami, ganoon talaga siya.

"Once maagrabyado, ganoon kami lahat.”

Sa puntong iyon ay hinarap ni Maxine si Kylie at sinabing, “So, pasensiya na, pasensiya na, sorry...”

Continue reading below ↓

Sambit naman ni Kylie, “Hindi po si Maxine ang nakasakit sa akin, pero siya po ang nakasakit sa akin.”

Ang tinutukoy ni Kylie ay ang pinsan ni Maxine na si Dianne.

Hindi pa ba nakakausap ni Kylie si Dianne?

“Hindi pa po. Hindi po niya ako kinakausap,” sagot niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa (left) and Maxine Medina air their side on the duraan issue. Kylie says she apologized to Maxine right after their scene, while Maxine claims Kylie apologized to her four days after the controversial incident.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results